^

Pang Movies

Ka Tunying nagti-trending, pinagdaraanan ramdam ng bayan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ka Tunying nagti-trending, pinagdaraanan ramdam ng bayan!

No. 1 trending si Anthony Taberna kahapon sa Twitter.

Ito ay dahil pa rin sa ginawang pagnanakaw sa kanilang kumpanya ng nag-o-operate ng Ka Tunying’s resto.

Una niya itong binanggit nang mag-guest sila ng misis niyang si Ms. Rossel sa Magandang Buhay three days ago na sinundan ng Instagram post tungkol sa matinding pinagdaanan nila ngayong 2020.

Bukod pa sa hindi nabigyan ng franchise ang ABS-CBN kaya ngayon ay napapakinggan siya sa DZRH.

Bago nabunyag ang panloloko sa kanila ng taong pinagkatiwalaan nila, inamin ng mag-asawa na may leukemia ang anak nilang si Zoey.

Narito ang buong post ni Ka Tunying.

“2020: 16 days ka na lang!!! Pinakamabigat na dinaanan namin sa taong ito ay ang karamdaman ni Zoey. Habang pinapasan namin ito ay pumutok ang Bulkang Taal at dumating ang pandemya na humampas nang husto sa Ka Tunying’s at sa mga umaasa rito. Nakakatindig naman kahit paano dahil sumusuweldo pa ako noon sa ABSCBN pero nadale naman nang hindi maaprubahan ang franchise sa Kongreso. Pero okay pa rin. Pagsubok lang yan.

Ngiti pa rin. Nakatindig pa rin. Tapang-tapangan, lakas-lakasan. Pero di ko akalain na bago matapos ang 2020, may humahabol pa! Nadiskubre namin na ang taong aking pinagtiwalaan, ako pala ay matagal nang pinagnanakawan! Ang pera ng kumpanya, namadyik niya at naidirecho sa sarili niyang bank account. Hindi maliit na halaga, milyong piso na mula sa paghihirap ng mga em­pleyado ng Ka Tunying’s - tama po, habang nagtitiis sa hirap ng pagtatrabaho ang mga panadero, kusi­nero, serbidor at serbidora, driver, janitor at iba pa, siya naman pala ay nagpapakaligaya sa perang hindi naman sa kaniya.

“At ang lalong masakit at karima-rimarim, noon mismong ikinuwento ko sa kaniya ang hirap ng kalooban at bulsa dahil sa aming pinagdadaanan gawa ng natuklasang karamdaman ni Zoey, wala pa ring puknat ang pagnanakaw niya sa pera ng kumpanya. Kakasuhan namin ang taong ito pero hindi ako papayag na ‘di mananagot ang bangko at pati na ang kaniyang mga kasapakat. Naghahanap kami ngayon ng KATARUNGAN. Tulad ng unti-unting paggaling ni Zoey, tiwala rin kami na makakabawi at hindi babagsak ang kumpanya. Oo nga at nahihirapan kaming lahat ngayon sa Ka Tunying’s pero hindi kami basta susuko. Malakas ang loob namin dahil may mga taong tumatangkilik at nagmamahal sa amin at sa Ka Tunying’s. Hindi ko tatalikuran ang maraming umaasa rito na mga empleyado at kanilang pamilya. Pagsasama-samahin namin ang lakas namin at ang pagtangkilik ng publiko taglay ang inspirasyon ni Zoey sa amin. Higit sa lahat, sasandal ang aming tiwala sa Panginoong Diyos at manghahawak sa pangako na hindi Niya tayo pababayaan.”

vuukle comment

ANTHONY TABERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with