^

Pang Movies

Chair Rachel at Liza, buong puso pa rin sa trabaho

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Chair Rachel at Liza, buong puso pa rin sa trabaho

Siguro kasama sa pinaka-anxious nitong pandemic ang dalawang favorite chairman natin, Salve. Sure ako na sina MTRCB Chair Rachel Arenas at FDCP Chair Liza Diño ang talagang affected sa naging takbo ng showbiz, mapa-movies at TV. 

Talagang halos everyday ang mga pagbabago sa paligid, hindi lang ‘yung box office kundi ‘yung watching habit din ng moviegoers ang naiba.

May mga bagong platform at videos na naka-attract sa kanilang mga mata.

Pinakamasipag pa naman sa lahat ng appointees sina Chair Rachel at Liza kaya siguro frustrated sila sa mga pangyayari. Very aggressive pa naman ang ideas nila for showbiz.

Pero kahit na nga ganito ang sitwasyon, talagang all heart pa rin ang binibigay nilang trabaho. Kaya relax lang, Chair Rachel and Chair Liza, basta for us, you are doing great. Relax, have a merry Pasko. 

Pandemya maraming binago...

Kahit pandemic para bang mas marami ang nagbigay ng gifts at mas magaganda at parang mas mga unique pa nga ngayon. Para bang ‘yung sweetness at charitable spirit ay very clear this time. Parang ang lahat gusto to make everyone happy, to help out and to give love.

Parang na-feel ko kinder at very pasensiyoso ang marami. Para bang nagkaroon ng brotherly love all around. Baka nga dahil nakita ng lahat, na sa isang iglap, puwedeng mabago ang buhay at mundo, magkaroon ng appreciation ang mga tao sa mga maliliit na bagay. Para bang puwedeng bukas wala ka na, so be nice and generous today.

‘Pag nagdarasal ka nga, parang may kakaiba kang nadarama, parang may humahaplos sa puso mo. Parang iba na ang motivation mo.

Now more than ever, nakita mo at nadama ang halaga ng bawat bagay at oras. Why wait for tomorrow what you can do today? At bakit kailangang maghintay kung puwede nang gawin?

Hay, sana nga this pandemic will change our outlook in life, our goal, our wish at tayo mismo ay mabago niya.

vuukle comment

MTRCB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with