^

Pang Movies

Alfred, nagulat sa husay ni Shaina

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mas gusto raw ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na manalo ng award ang dalawang co-stars niya sa pelikulang Taguan na sina Iza Calzado at Shaina Magdayao. “I’ve worked with Iza ilang beses na at magaling pa rin siya. Nagulat ako kay Shaina. This is my first time wor­king with her at ang husay niya. Sana ay manalo silang dalawa.”

Thankful si Alfred na nagkaroon siya ulit ng pelikula sa Metro Manila Film Festival. Una niyang Metro Manila Film Festival entry ay ang Bridal Shower in 2004 at ang huli ay ang Banal in 2008.

Isang taon na raw natapos ang Tagpuan na kinunan sa New York, Hong Kong at dito sa Manila. “September 2019 pa namin natapos yung movie. Kaya ready na sana ito ipalabas last April pero nagkaroon ng pandemic. Panay ang dasal namin na sana ma-release na namin ito kasi ang ganda ng movie.”

Bilang producer ng movie under Alternative Vision Cinema, wish ni Alfred na kumita ang movie sa pagpapalabasan nitong streaming platform. “Para may pang-produce ka ulit ng bagong project, ‘di ba? Kaya wish ko rin na kumita kami sa online streaming.  Since sarado pa ang mga sinehan. Mas masaya kung lahat ng MMFF entries ay kumita.”

Ken, nagbunga ang pag-iingat sa pera

Nagbunga ang pagiging maingat sa kinikitang pera niya si Ken Chan dahil malapit nang magbukas ang kanyang nilagay na investment sa anim na gasoline stations.

Sa December 18 ang grand opening ng gasoline station business ni Ken na may branches sa San Fernando, Pampanga, Baliuag, Bulacan, Angeles, Pampanga, Cebu, Alfonso at Tanza, Cavite.

Sey ni Ken, childhood dream niya ang pagkakaroon ng gasoline station.

Dahil na rin sa sipag sa kanyang trabaho ay nagawa niyang makapag-ipon at mag-invest sa isang business na alam niyang walang lugi.

Sey pa ni Ken na perfect timing ang pagsisimula ng negosyo dahil ang pagkakaroon ng extra income ang isa sa mga natutunan niya matapos maranasan ang COVID-19 pandemic.

“Habang andito kami sa showbiz, meron tayong mga ginagawang business na kailangan talaga because maraming pina-realize sa ‘tin ang 2020 at isa na dito ‘yung mag-ipon, magtipid, at magkaroon ng business. At ito talaga ang pinakaplano ko for 2021, ang magkaroon ng hanapbuhay bukod sa showbiz at sana i-bless tayo ni Lord ng magandang business.”

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with