^

Pang Movies

Mass wedding, Pamaskong handog ng mga mayor

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mass wedding, Pamaskong handog ng mga mayor
Mayor Abby Binay

Congratulations sa mga ikakasal sa ginanap na mass wedding kahapon sa Makati na pinangunahan ni Mayor Abby Binay.

After so many years nga na nagsasama without the legality ng marriage na mabigat din sa dibdib nila, ngayon ay masasabi na ng babae na , “ako ang legal wife”  hah hah, dahil kasal na sila.

Isang magandang Pasko para sa mga pamilya nila. Mabuti naman at naisip ito ng mayors natin, bukod kay Mayor Abby, ganundin sina Mayor Joy Belmonte, Andeng Ynares, at Lani Mercado na magkaroon din ng mass wedding sa kanilang mga lungsod.

Siguro nga dahil mga babae, alam nila how secure ang feeling mo ‘pag hawak mo na ang papel na patunay na ikaw nga ang legal wife.

Bongga, ‘di bah! Ingatan ang marriage contract, forever.

Jessica, walang kupas

Alam mo ba, Salve, ang feeling ng isang fan ‘pag nakakatanggap ng regalo mula sa idol niya? Kilig at parang umakyat ka sa heaven ‘di bah! Eh ever since, idol ko si Jessica Soho sa larangan ng broadcasting, ‘yung fairness niya at very thorough research sa anumang subject ng balita niya. Ang dami na niyang awards, at sincere na tao na hindi plastic ang PR. Kaya naman karapat-dapat talagang hangaan.

Every birthday at Christmas ay lagi siyang hindi nakakalimot bumati, at siya ang source ko sa aking one-year supply ng kasuy na talagang sa tita niya sa Mindoro kinukuha. Pero siguro ay malaki ngayon ang bonus na natanggap ni Jessica sa GMA 7, dahil talagang lahat ng imported fruits kasama ang kasuy ay pinadala niya sa akin as Christmas gift.

More than the gift ay ‘yung pagmamahal na ipinadarama ni Jessica ang hindi ko malilimutan, The Jessica Soho na iyan, nasa tuktok ng broadcast journalism, pero heto at nagpapadala pa rin ng regalo, ‘di ba, feeling ko sikat at respected ako?

 

vuukle comment

ABBY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with