^

Pang Movies

Nagpaliwanag sa pagtaba Mariel, kumakain kahit hindi gutom!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nagpaliwanag sa pagtaba Mariel, kumakain kahit hindi gutom!
Marial at Maria Isabella

Dahil nag-one year old na ang bunso nilang anak ni Robin Padilla na si Gabriela last month, para kay Mariel Rodriguez ay isang malaking achievement for her na natapos niya ang buong isang taon ng pagpapa-breastfeed sa anak.

Breastfeeding mom si Mariel simula pa nang ipanganak niya ang panganay nilang si Maria Isabella na ngayon ay four years old na at hindi raw talaga biro ang sakripisyo niya dahil hirap na hirap siyang magkaroon ng breast milk ever since.

Sa kanyang latest YouTube vlog, ibinahagi ni Mariel na dahil nga kakaunti ang gatas niya ay kinailangan niyang kumain nang kumain ng masusustansiyang pagkain, dahilan para madagdagan ang kanyang timbang.

At dahil nga sa paglaki ng katawan niya, lahat na raw yata ng masasakit na salita ay natanggap na niya. “Lahat na yata ng mga batikos, natanggap ko na. ‘Ang losyang mo na, Mariel,’ ‘hala, ang laki na niya,’ ‘ano ang nangyari, ba’t ang laki na niya?’ ‘Mariel, ang taba mo na,’ lahat na ng masasakit na mabibigat na matataba, lahat ng salitang ‘yan, natanggap ko. Ibinato na sa akin ng mga taong hindi nakakaintindi ng breastfeeding,” ani Mariel.

Ipinaliwanag niya na dahil nga mayroon siyang PCOS (polycystic ovary syndrome), kakaunti ang kanyang milk na napo-produce. “Pero I am so proud because kahit ganito ang situation ko, I was able to breastfeed my kids for over a year,” aniya.

Sobrang nag-research daw siya kung ano ang mga food na dapat niyang kainin para magkaroon siya ng milk at aminado siyang hindi talaga madali ang kanyang naging journey sa breastfeeding. Sey nga niya, kahit hindi siya gutom ay kumakain siya para lang magkaroon ng gatas. “Hindi siya madali, isa siya sa napakahirap. Pure dedication and talagang hard work,” aniya.

“Wala akong ibang ginawa, ang buong buhay ko, breastfeeding. And I know that all the breastfeeding moms, ‘yun ang feeling n’yo – that life is breastfeeding, life is milk,” sey pa niya.

Kaya dedma na raw kung mataba siya alang-alang sa kanyang mga anak. And thankful din naman siya sa support ng kanyang asawa na never daw nag-complain sa kanyang figure.

 

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with