^

Pang Movies

Mayor Vico, mahigpit sa paniningil

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Mayor Vico, mahigpit sa paniningil
Mayor Vico

Natuwa at nakakuha ng almost hundred thousand likes ang Instagram post ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos niyang bumisita sa taping ng Daddy’s Gurl ng M-Zet Productions na pag-aari ng ama niyang si Vic Sotto sa Rainforest Adventure Experience Park, sa Pasig City.  Simula nang payagang mag-taping na nang live ang sitcom na nagtatampok kina Vic at  Maine Mendoza, doon na nila ito lagi ginagawa dahil open air, hindi tulad sa studio na aircon.

Pinansin ng netizens ang post ni Mayor Vico na “binisita ko sila para maningil ng fees.” (with peace sign emoji)

Kasama sa cast ang brother niyang si Oyo Sotto kaya sabi pa ni Mayor Vico: “first time to see Kuya Oyo since March!!!”

At dagdag pa ni Mayor Vico, “actually, nung una nahihiya yung mga emple­yado ng LGU na singilin ang M-Zet Productions ng fees, dahil alam nilang kay Papa ‘yun. Pero nung nalaman ko ito, ang sabi ko, MAS LALONG DAPAT singilin pag kamag-anak ko!! Ma-check nga bukas kung bayad na sila...”

Ang Daddy’s Gurl ay napapanood tuwing Saturday evening, after ng Magpakailanman.

Alden at Maine, tatlong taong nagkahiwalay

Back to work na si Alden Richards after ng kanyang successful na Alden’s Rea­lity: The Virtual Reality Concert at sa pagiging No. 1 sa iTunes ng kanyang new single na Goin’ Crazy.

Kahapon, December 10, ay ini-launch na nila ni Maine ang bago nilang endorsement na isang delivery app, ang ToktokPH. Bale ito ang muli nilang pagsasama ni Maine sa isang commercial after three years na nagkahiwalay sila sa pag-i-endorse ng TV commercials.

Ang said TVC ay nai-shoot na nila kasabay ng paghahanda ni Alden ng kanyang concert. Ipinaalam nina Alden at Maine kung paano maging isang Toktok Online Franchise Operator at kumita kahit nasa bahay lamang kayo.

Julie Anne, bibigyan ng bagong serye

Tiyak na matutuwa ang fans ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose, dahil matutupad na ang request nila sa GMA Network na bigyan ng isang serye ang idolo nila. Kaya may upcoming series nang gagawin si Julie Anne, ang Heartful Cafe, na gagampanan niya ang online romance novelist na may-ari ng The Heartful Cafe, si Heart Fulgencio.

 Makakasama niya si David Licauco bilang ang guwapo at goal-driven niyang co-investor, si Ace.  Kasama rin sina Zonia Mejia as Sol, pinsan ni Heart at Jamir Zabarte as the boy-next-door na si Buddy.

Sa serye, maghahatid si Julie Anne ng iba’t ibang kuwento ng pag-ibig para sa mga manonood sa GMA News TV.

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with