^

Pang Movies

Kahit bawal Kim napilitang lumabas nang mawalan ng pambayad sa bills

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kahit bawal Kim napilitang lumabas nang mawalan ng pambayad sa bills
Kim

Ang cute ng kuwento ni Kim Chiu na meron siyang bawal lumabas moments sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Isa raw dito ay nang lumabas siya dahil kailangan niya ng money na pambayad sa bills kaya nag-ATM siya.

“Takot na takot ako kasi ‘yun ‘yung first time naming lumabas tapos napagod ako nu’ng unang beses akong lumabas, bawal pero kailangang lumabas,” pag-amin ni Kim kahapon sa media conference ng Bawal Lumabas series.

Maaalalang umapaw ang emosyon ni Kim nang mapanood niya ang trailer para sa original series na Bawal Lumabas at hindi niya napigilang maiyak nang maisapubliko ito.

“Nag-flashback sa akin lahat simula nag-start ang Bawal Lumabas. One mistake won’t define you as a person,” ang nakasulat na caption ni Kim sa kanyang Instagram video kamakailan kung saan nagpupunas siya ng luha habang pinapanood ang trailer. “When you make a mistake, don’t look back at it long... ‘Mistakes’ are lessons of wisdom. The past cannot be changed. The future is yet in your power.”

 Ngayong Disyembre 14 na mapapanood sa iWantTFC streaming service ang naturang family dramedy.

Tampok naman sa trailer ang hit song niyang Bawal Lumabas, na inspired din mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo sa kalagitnaan ng ABS-CBN closure.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with