^

Pang Movies

Yaya… matagal pa bago umere!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Kahapon pala ang uwian ng cast and staff ng First Yaya romantic-comedy series ng GMA 7 na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

So, less than two weeks lang silang nag-taping, Ateng Salve.

Ang tsika pa sa akin ng kausap ko, sa January na raw uli ang balik-taping ng nasabing romantic-comedy series ng Kapuso network.

Malamang din daw na makakailang lock-in taping muna ang First Yaya bago sila mag-pilot telecast sa first quarter of 2021.

Kung matatandaan, ang First Yaya ay pagbibidahan sana ni Marian Rivera at nakapag-taping na nga siya para sa nasabing series noong March bago nag-lockdown dahil sa COVID-19 pandemic hanggang nang magre-resume na ang nasabing project ay tumanggi na ang aktres dahil hindi niya kayang mag-lock-in taping dahil maliliit pa nga naman ang mga anak nila ng mister na si Dingdong Dantes.

In fairness, kahit si Sanya na ang bida sa First Yaya, marami pa rin ang excited sa romantic-comedy series na ‘yon ng GMA 7 at mukhang bagay naman sila ni Gabby!

Pops at Martin, marami pa ring Team Hopia

Lumabas na ang video nina Pops Fernandez at Martin Nievera na nagpo-promote ng Cignal show nila na ipapalabas sa Colours channel starting December 19, 9:00 p.m., ang eXes & whYs with Pops and Martin.

Aliw ang video promo ng ex-couple dahil nag-dialogue si Pops ng, “Martin and I are back together!” at kunwari ay biglang mai-spill ni Martin ang kanyang iniinom, kaya nilinaw ni Pops na, “For a new show, that is…”

Hahaha! Nakakatawa lang ang dating mag-asawa na masasabing very close friends na ngayon.

Siyempre, aliw ang mga fan nila na loyal na loyal pa rin sa tambalan nila.

Naku, marami ngang Pops-Martin ang nagsasabing “Team Hopia” forever sila. Meaning, umaasa pa rin sila na magkakabalikan ang dalawa, huh!

Pero siyempre, marami naman ang natutuwa na kahit ano pa ang nangyari sa married life ng dalawa, nauwi pa rin sila sa pagiging magkaibigan, ‘noh?!

Anyway, sa eXes & whYs with Pops and Martin, hindi lang co-host ni Martin si Pops, boss din niya ang ex-wife dahil producer nga ng nasabing show ang Concert Queen.

Production company nga ni Pops at ng talent manager na si Jojie Dingcong ang line-producer for Cignal Cable ng nasabing show.

Nang pareho ko nga palang nakatsikahan sina Pops at Jojie, sinabing “madugo” ang gastos sa ilang araw na tapings ng eXes & whYs with Pops and Martin dahil nga sa “new normal” ay maraming health and safety protocols na pinatutupad, pero happy raw sila dahil na-achieve ‘yung gusto nilang mangyari sa show.

Umaasa nga si Pops na once ipalabas ang eXes & whYs ay magiging maganda ang feedback dito ng viewers!

In fairness, may ilang clips na rin ng show na napanood ko at nagandahan ako roon, huh! Ang bongga nga, Ateng Salve, kaya abangan mo ‘yan. ‘Yun na!

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with