^

Pang Movies

Nabisita na... Ice, ‘di makalimutan ang ngiti ng kanyang daddy sa heaven

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Nabisita na... Ice, �di makalimutan ang ngiti ng kanyang daddy sa heaven

Napanaginipan ni Ice Seguera ang yumaong amang si Decoroso “Dick” Seguerra at tila sinasabi nito sa kanya na masaya siya sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Sa kanyang Instagram post ay ikinuwento ni Ice ang detalye ng kanyang panaginip. “I finally dreamt of my dad. Nasa isang town kami, buong pamilya kasama ang mga kamaganak (pati pets). Sobrang traffic so kailangan ko mag detour sa loob ng simbahan. Nagulat pa ako, meron silang malaking lion sa loob ng rectory. Mabait naman yung lion so nakalabas kami nang buhay. Tapos, papunta kami sa isang outdoor restaurant, nandun mga pamilya, naghihintay.

“Tapos nakita ko si Pogi. Malusog na siya ulit. Kasama niya ibang mga kapatid niya, tapos kumakanta at nagkukwentuhan. Namumulutan pa nung isdang niluto ni mama ko. May toyo’t kalamansi pa akong nakita. Siyempre nakikain na rin ako.

“Tinignan ko ulit si erpat, he looked so comfortable and happy. Kumandong pa ako. Ang saya nang kuwentuhan, lahat nagtatawanan. Pansin ko lang, ang daming dogs. Kaya ang saya lalo. But at the center of it all, si Pogi. I can never forget his smile, simple pero iba. He looked very happy,” ang kuwento ni Ice sa IG.

Gumising daw siya nang nakangiti dahil alam niyang nasa heaven ang kanyang ama. “Then, I woke up...smiling. I don’t know what heaven looks like. But maybe heaven isn’t about clouds and angels. It’s about being with people we love, eating our favorite food, doing our favorite thing with our favorite people, surrounded by our pets, and finally being at peace. That’s my kind of heaven and I know my dad is there,” pagtatapos ng post ni Ice.

Matatandaang yumao si Daddy Dick noong Nov. 15 matapos ang pakikipaglaban sa prostate cancer.

Luis, winner ang talak sa basher ng relo ni Jessy

Nakatikim ng talak mula kay Luis Manzano ang isang basher na kinuwestiyon ang mamahaling relo na suot ng girlfriend na si Jessy Mendiola.

Sa isang recent Instagram post ni Jessy ay makikita sa larawan ang suot niyang expensive watch. Napansin ito ng isang netizen at nagtanong ng “how can she afford a Patek?”

Kalmado itong sinagot ni Jessy. Aniya, “um…because I work hard and save a lot? Lol.”

Pero si Luis ay hindi nakapagpigil at talagang tinarayan niya ang netizen. “Work and save till you can buy or enjoy what you want in life no matter what they may be, Napakabobo mo naman if di mo gets yun, pabili ka utak ngayong 12.12 sale… work and save para ma-afford mo rin ang brain,” sagot ni Luis.

Hahaha! Winner!

vuukle comment

ICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with