^

Pang Movies

La Vida Lena pasok sa top 10 ng iwant

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Singtindi ng tapang ng karakter ni Erich Gonzales sa La Vida Lena ang pagkapit ng viewers sa kwento kaya naman kahit dalawang episodes pa lang ang nailalabas nito, pumasok na agad ang serye sa top ten most watched shows sa iWant TFC streaming service.

Tuwing Sabado napapanood ang bagong episodes ng La Vida Lena, kung saan nasusubaybayan si Magda (Erich), isang simple at madiskarteng babaeng nagsisikap na lumago ang negosyo niyang sabon.

Sa latest episode, nagsimula na ang maraming pagsubok na haharapin ni Magda matapos siyang tumangging ibenta ang formula ng sabon niya sa isang malaking kumpanya. Dahil dito, unti-unti na niyang natitikman ang paghihiganti ng pamilya Narciso, na gumawa ng paraan para ipakulong ang kanyang lolo at sampahan siya ng kasong walang basehan.

Sa kabila ng lahat ng gulo, nakilala naman ni Magda ang mabait at gwapong si Miguel (Kit Thompson). Walang kamalay-malay ang dalaga na pamangkin ito ni Vanessa Narciso (Agot Isidro) na ang tanging gusto mula sa kanya ay ang secret recipe ng sabon niya at paibigin siya para lokohin lang sa huli.

Samantala, patok naman sa fans ang mala-telenovelang kwento ni Magda, ang chemistry ni Erich sa kanyang mga leading men, at ang husay ng pagganap ni Erich at ng mga kontrabidang sina Agot, Sofia Andres, at Raymond Bagatsing.

vuukle comment

ERICH GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with