^

Pang Movies

Julia, papalitan na talaga si Yassi?!

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Totoo ang haka-haka ng mga tagahanga ng FPJ’s Ang Probinsyano na parang dahan-dahang inilaglag ang karakter ni Yassi Pressman para ipasok si Julia Montes. Sa istorya, nagkabalikan na sina Yassi at ex-boyfriend niyang milyonaryo noon na ginaganapan ni Richard Gutierrez, na karibal ni Coco Martin kay Yassi.

Well, ang tanong, tanggapin kaya ng fans si Julia bilang bagong pag-ibig ni Coco gayung ilang taon ding nakapareha ni Coco si Yassi sa nasabing serye?

Abangan na lang natin kung tama ang obserbasyon ng fans.

Derek at Andrea, ‘di na nahintay ang Pasko

Marami ang nanghihinayang sa instant breakup nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Bakit daw hindi man lang nahintay na matapos ang Pasko tutal ay ilang araw na lang ay Christmas na. Marami rin ang kumukuwestyon kung ano pa raw ang kulang kay Andrea na hinahanap ni Derek eh halos lahat ng katangian ng isang ideal girlfriend ay nasa kanya na?

Maganda, sexy, sikat at ‘di maitatangging pang pageant ang katawan nito, kaya ano pa raw ang hahanapin dito? Ano raw kaya ang kulang between the two kaya hindi nagkasundo at nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila?

Kung ano man ang dahilan ay mas mabuti na raw na nagising nang maaga si Andrea, dahil sa totoo lang ay nakakasira raw ng career niya ang pagiging too much in love kay Derek. Nasasayang daw ang pinaghirapang pagbi-build up sa Kapuso actress.

Tsk tsk, oo nga naman.

Gov. Daniel, marunong kumilala

Akala ni Amanda Amores ay hindi na siya makikilala ni Bulacan Governor Daniel Fernando. Hindi kasi nila inaasahang magkikita sila sa isang sikat na resto. Kahit daw nakasuot pa siya ng face mask ay nakilala pa raw siya nito at binati. Kasama naman ni Amanda ang family niya na sina Sto. Domingo barangay captain Michelle Yu at ang loving husband nitong si Konsehal Richard Yu.

Sabagay, mahirap nga namang makalimutan ni Daniel si Amanda dahil ito ang nag-push sa kanya noon na ituloy ang pa-Mr. and Mrs. Narciso dela Merced of Poblacion, Baliuag.

Magandang halimbawa si Gov. Daniel na nakatungtong lang lagi ang mga paa sa lupa.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with