^

Pang Movies

Dennis na-in love sa kultura ng Maranaw

Pang-masa

MANILA, Philippines — Saludo si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang karakter sa upcoming GMA series na Legal Wives.

Iikot ang kuwento ng Legal Wives kay Ishmael (Dennis Trillo), isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

Hindi mapigilan ni Dennis na mamangha sa kultura ng mga Maranaw na kanilang ibibida sa bagong teleserye, “Parang nabigla ako nu’ng umpisa pero nu’ng nabasa ko naman ‘yung script… ang ganda ng ginawa nila rito. Mai-in love ka sa bawat character, mai-in love ka du’n sa kultura.”

Naiiba rin daw ang paninindigan ng kanyang karakter, “Siya ‘yung tao na iidolohin mo dahil iba ‘yung paninindigan niya. Iba siya magmahal. Bawat tao sa paligid niya kaya niyang pakitunguhan kaya rin siguro nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng tatlong iibigin dito sa kwento dahil mapagmahal siyang tao.”

Kasama rin sa powerhouse cast ng Legal Wives ang beteranang aktres na si Cherie Gil, Shayne Sava at Adbul Raman, Bernard Palanca, Kevin Santos, Maricar De Mesa, Juan Rodrigo, at Irma Adlawan.

vuukle comment

DENNIS TRILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with