^

Pang Movies

Gabby, ngayon lang uli makakaranas ng Pasko sa ‘Pinas

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gabby, ngayon lang uli makakaranas ng Pasko sa �Pinas
Gabby

For the first time, after 12 years, ngayon lamang pala makakapag-celebrate ng Christmas si Gabby Concepcion at ang kanyang family sa Pilipinas, dahil every year, since 2008, bumabalik sila ng California para doon mag-Pasko. Pero magsisimula na ang lock-in taping ni Gabby at ang cast ng First Yaya at matatapos ito bago mag-Pasko, kaya new experience daw ito sa mga anak niya na narito sila sa Pilipinas this year.

Rachelle Ann tinuturuang mag-Tagalog ang mister

New Season in the Spies Family! 2020 Highlights! ang title ng third vlog ni international stage actress and singer, Rachelle Ann Go-Spies, last Friday, November 20. Dito inihayag na ni Rachelle Ann na magkakaroon na sila ng baby ng husband niyang si Martin Spies.

“Finally, we are expecting, I also don’t need to hide my tummy anywhere na lagi kong itinatago,” kuwento ni Rachelle at ipinakita na niya ang kanyang almost five months tummy, na biro pa niya ay bilog na bilog.  “August 10 pa namin nalaman na buntis na ako sa first baby namin.  We are grateful for this new season, this new blessing. My gosh, I cannot believe it, I’m gonna be a mama, Mama Shin and Papa Martin.

“Alam na namin ang gender ng baby, pero secret muna at iri-reveal namin sa Christmas.  Sa ngayon, masayang-masaya kami ni Martin at nagsimula na kaming gawin ang kanyang nursery upstairs.  Baby Spies will be coming on March, 2021.”

Sa vlog, ipinakita pa ni Shin ang isang Filipina nurse na nagpa-selfie kay Martin nang lumabas sila ng hospital at masuwerte siya dahil they shared the good news na she’s preggy to her.

Nai-share din ni Shin na nasa phase 2 na sila ng lockdown sa London dahil sa coronavirus. Two years and seven months nang married sina Shin at Martin, a businessman, at lumipat na rin siya from New York sa London nang makabili sila ng bahay doon. Nakakatuwa na mukhang tinuturuan ni Shin magsalita ng Tagalog si Martin dahil narinig siyang nagsalita ng Tagalog word sa vlog.

Mga singer, sunud-sunod ang lockdown baby

Nakakatuwang ang magkakasabayan noon na mga naging produkto sa singing contests sa GMA Network, matapos ang halos sunud-sunod na magsipag-asawa ay sunud-sunod namang magsisilang ng kanilang first baby ngayon. Mauuna si Aicelle Santos-Zambrano na binigyan na ng baby shower kahapon ng All-Out Sundays sa GMA 7.  Susunod naman si Maricris Garcia-Cruz na magsisilang sa second week of January, 2021.  Parehong baby girl ang isisilang nina Aicelle at Maricris, si Rachelle kaya?

Isa rin sa mga kasabayan nila si JustSarahG, Sarah Geronimo-Guidicelli, kailan naman kaya siya magkaka-baby, pero hindi pa raw sila nagmamadaling magkaroon ng baby ni Matteo.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with