^

Pang Movies

Tulungan kaya ni Coco? Julia, magpapatayo ng restaurant

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Tulungan kaya ni Coco? Julia, magpapatayo ng restaurant

Pangarap pala ni Julia Montes na magka-restaurant.

Balik-eskuwela ang actress na matagal nang nauugnay kay Coco Martin ayon sa kanyang last post -  “Who said you can’t wear uniforms ? studying while having the luxury of having my fave coffee .? thank you @southville_is for helping me step by step achieving my dream on putting up my own restaurant... looking forward everytime I have classes.”

Though endorsement na rin niya ‘yun, pero at least maraming nakaalam na pangarap pala niyang magkaroon ng eatery.

‘Yun nga lang, at this point in time, parang ‘di pa advisable dahil sa kasalukuyang panahon na matindi pa ring pinatutupad ang social distancing habang may pandemic pa.

Ang tanong, maging business partner kaya niya si Coco?

Angelica naglabas ng holding hands nila ni Zanjoe

‘Di mo naman alam kung nang-eeklay lang, pero nag-share ng holding hands photo si Angelica Panganiban nila ni Zanjoe Marudo kahit meron siyang kapalitan ng sweet messages sa kanyang social media account.

Ahh pasaan ba at lalabas din naman ang totoo kung sino talaga ang ipinalit ni Angelica kay Carlo Aquino na ngayon ay maligaya na sa kanyang pagiging ama.

Magkasama sa teleserye na Walang Hanggang Paalam sina Zanjoe and Angelica sa kasalukuyan kaya sinasakyan nila ang duda ng netizens na nagkadebelopan sila sa lock-taping nito kahit nababalitang may girlfriend si Zanjoe na isang model and surfer.

Dati na silang nag-partner sa seryeng Playhouse.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with