^

Pang Movies

Bea at John Lloyd, magkasamang nag-refresh sa resort

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bea at John Lloyd, magkasamang nag-refresh sa resort

Spotted sa isang resort sa Batangas sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz nitong nakaraang mga araw.

Eh nagkataong kilala namin ang may-ari ng resort kaya nakita namin ang pictures nila kasama sina Bea at Lloydie kasama ang friend namin.

Inusisa namin ang aming friend kung ano ang dahilan ng pagpasyal ng dating magka-loveteam sa resort nila. Tugon ng kaibigan namin, “Refresh lang po!”

Hiwalay na naman si Lloydie kay Ellen Adarna at wala pang kasiguraduhan kung ‘yung umaaligid na mga aktor kay Bea eh pinusuan na niya.

So kung maging from reel to real ang loveteam ng dalawa, siguradong magbubunyi ang fans nilang pinapantasya silang maging real couple, huh!

NCAA, napunta sa GMA

Nakahanap na rin ng bagong bahay ang National Collegiate Athletic Association o NCAA. Sa Kapa­milya network dati napapanood ang iba’t bang sports league ng association.

Pero sa susunod na NCAA season, ang GMA Network na ang network nito mula Season 96 hanggang 101 o limang taon.

Mapapanood ng NCAA fans sa GMA News TV at via online streaming sa GMANetwork.com at mga game habang ang finals ng basketball ay ite-telecast sa main channel na Kapuso Network.

Ang NCAA ay ang una at longest-running collegiate athletic league na kinabibilangan ng eskuwelahang San Beda, San Juan de Letran, Mapua, Lyceum of the Philippines at iba pa.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with