^

Pang Movies

Dingdong, natupad ang pangarap na maidirek ang nanay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong, natupad ang pangarap na maidirek ang nanay
Dingdong

Long-time dream pala ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, simula pa nang matuto na siyang magdirek na maigawa at maidirek ang kanyang mommy, si Mamata Angelina Gonzalez Dantes sa isang commercial na kasama siya.

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Dingdong na three years old pa lamang siya ay sinasamahan na siya ng kanyang Mamata sa pagsu-shoot niya ng commercials at later on, sa pagti-taping niya sa TV at shoots ng movie. Ang Mamata rin niya ang kanyang biggest supporter and cheerleader kahit anong klaseng performances ang gawin niya.

Kaya natupad ang dream na ito ni Dingdong na minsang gumagawa ang mommy niya ng Cheese Pimiento para sa kanyang online-selling sa @mamatas.kitchen ay sinabayan niya ang pagsu-shoot dito.  Doon nalaman ni Dingdong na three generations na pala ang pag­hahanda ng cheese pimiento, na namana ni Mamata sa kanyang ina, at isinalin din ng lola ni Mamata rito.

Kaya request ni Dingdong sa kanyang Mamata, sabihin sa kanya ng ina ang sikreto ng masarap na timpla nito ng cheese pimiento, ayaw nito, sa daughter-in-law niyang si Marian Rivera raw niya sasabihin ang sikreto. Nang mangulit pa si Dingdong, sabi ni Mamata, “hayaan mo, baka si Zia ang magsabi sa iyo ng sikreto ng recipe ng Cheese Pimiento.  (Ibig sabihin, hihintayin pa ni Dingdong na magdalaga si Zia bago niya malaman ang sikreto?)

Samantala, patuloy ang pagti-trending ng Descendants of the Sun PH ni Dingdong gabi-gabi sa mga fresh episode na napapanood pagkatapos ng Encantadia.

KC, super enjoy sa date nila ni Gabby

Masayang-masaya si KC Concepcion, nang after almost eight months na hindi sila nagkikita nang personal ng amang si Gabby Concepcion dahil pareho silang inabutan ng lockdown gawa ng enhanced community quarantine ay nakapag-bonding sila. Sa vacation house niya sa Lobo, Batangas, nanatili si Gabby at si KC naman ay sa The Farm at San Benito in Batangas nag-stay, bumabalik lamang siya ng Manila kapag may important commitment siya. Kaya naman nang muling magkita ang mag-ama, enjoy na enjoy silang naglakad along Makati Avenue at nag-dinner sa paborito nilang restaurant.

Naganap ang date nilang mag-ama matapos makabalik si KC from Cagayan, na namigay sila ng food packs, face masks at mineral water sa mga nasalanta ng Ulysses typhoon, kasama siya nina Ruffa Gutierrez at mga anak nitong sina Lorin at Venice.

Nasa Manila na si Gabby dahil magsisimula na siya ng lock-in taping ng bago niyang romantic-comedy series with Sanya Lopez sa First Yaya ng GMA Network.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with