^

Pang Movies

Bukod sa mali-maling module, libro tungkol sa k-k-, mababasa na rin!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Ibang-iba na talaga ngayon. Kaloka.

Bukod sa mga mali-maling mga module, pinapayagan na rin ang librong may title na Ako ay May K-k- (I Have a Vagina).

Ang sabi, ito ay  para turuan na magkaroon ng self - awareness habang bata ang mga ito ng tungkol sa kanilang mga katawan at kung paano ito alagaan.

‘Di ba dapat sa bahay na lang ‘yun tinuturo at hindi na kailangan ang libro?

Bakit naman noon, mas prim and proper ang mga bata at marunong nang mag-alaga ng kanilang katawan.

Siyempre ang ituturo nila ay ang impluwensiya ng social media kaya bastusan na.

Pero still, puwedeng bantayan naman ang ugali dahil nakasalalay naman ‘yan sa upbringing ng mga magulang sa mga bata.

Nauna nang naglabas ang publishing house na Lampara House ng Ako ay May T-t- na tungkol naman sa penis ng mga kabataang lalaki.

Uy new normal din ba ito?

Heart, magiging speaker ng isang global event

Parte ng bigating line-up ng speakers ang Kapuso star at Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa gaganaping Global Town Hall session na Light at the End of 2020: What Worries Me, What Give Me Hope, ngayong araw, November 20.

Ang event na ito, na may temang Rebuilding From The COVID-19 World, ay inorganisa ng grupo ng mga respetadong political/economic experts mula sa iba’t ibang bansa tulad ng Australia, France, India, Indonesia, Mexico, Russia, United Kingdom, at United States.

Siya ang kaisa-isang Filipino celebrity na magiging parte ng makahulugang event na ito.

Bukas para sa lahat at libre ito kaya kumuha na ng sariling streaming pass sa www.gth2020.com!

Jose Rizal, Muro-Ami at iba pang pelikula ng GMA , mapapanood sa ika-4 na PPP!

 Muling mapapanood ang ilan sa mga dekalidad na pelikula ng GMA Network na tumatak sa Filipino moviegoers sa ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) Festival simula ngayong araw hanggang Dis­yembre 13 sa kanilang Main Feature Film Showcase.

Matutunghayan ulit ang directorial debut ng Kapuso Comedy Genius na si Michael V. na Family History, kung saan nakasama niya ang aktres na si Dawn Zulueta at sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Kasama rin sa mapapanood dito ang Jose Rizal, Muro-ami, Moments of Love, Saranggola, Sa Pusod ng Dagat, at Deathrow.

Para sa mga detalye kung paano makakakuha ng slot sa online PPP festival, bisitahin lang ang FDCP Channel website na https://fdcpchannel.ph/ at subaybayan ang updates sa GMA Network social media pages.

Ilan lang ang GMA films sa maraming pelikulang ipapalabas sa PPP 2020.

Sagip Kapamilya tuloy ang pamimigay

Puspusan pa rin ang pagresponde ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN Foundation at ng ABS-CBN News Public Service Team sa mga lugar na malubhang nalubog sa baha matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.

In all fairness, hindi pa rin tumitigil ang grupo sa paghahatid ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta sa iba-ibang parte ng bansa.       (SUNDAN SA PAHINA 6)

Mga 480 na bakwit naman sa J.P. Rizal, Makati ang tumanggap din ng hot meals noong Nobyembre 13. Nakapaghatid rin agad sila ng relief packs sa 1,165 na pamilya sa San Mateo, Rizal at 987 pamilya sa Rodriguez, Rizal. Tumulak din ang News Public Service team sa Montalban, Rizal upang mamahagi ng relief packs sa daan-daang pamilyang lumikas mula sa kanilang tahanan.

Sa Marikina, isang libong pamilyang tumutuloy pansamantala sa Nangka Elementary School at H. Bautista Elementary School ang nabigyan din ng relief goods at Mingo meals, habang 500 katao naman mula sa Leodegario Victorino ES Evacuation Center ang nahainan ng mainit na pagkain noong Nobyembre 14.

Maliban sa mga lugar na ito, tuloy-tuloy rin ang relief operations ng Sagip Kapamilya sa Albay, Batangas, at Quezon na lubos na naapektuhan ng Bagyong Rolly, salamat sa patuloy na suporta ng mga donor at partner ng ABS-CBN Foundation.

 Sa panayam sa kanya sa Magandang Buhay, muling nanawagan si Jen Santos, ang director for program operations ng ABS-CBN Foundation, sa bawat isa na tumulong sa kapwa Pilipino.

Bongga sila. Sa kabila ng lahat ay tuloy ang Sagip program nila.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with