^

Pang Movies

Catriona pinanindigang Pinay kahit Australian ang alam sa Colombia, apelyido naging Garay

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Catriona pinanindigang Pinay kahit Australian ang alam sa Colombia, apelyido naging Garay
Catriona

Kinorek ni Catriona Gray na isa siyang Filipina at hindi Australian.

 “Australian by birth but represented Philippines after living for a few years there.”  Ito ang sinasabing introduction (translation) sa kanya sa Miss Universe Columbia kung saan nga naging isa sa judges si Catriona na mabilis na kumalat sa social media.

Consistent naman si Catriona sa pagsasabi na isa siyang Filipino na ipinanganak at lumaki sa Australia.

Isang Bicolana ang kanyang ina.

Hindi ito ang first time na naging issue ang kanyang nationality.

Samantala, nag-viral din typographical error sa kanyang last name na Garay instead of Gray na naka-flash sa screen ng live telecast nito at pansin na pansin ang pagkakamali sa nasabing pageant.

“Who else noticed CATRIONA GARAY???”

“Ano ba yan, di pa masulat ng tama ang full name ni Catriona? I don’t want to think there is malicious intent…”

“Garay?”

“According sa mga nag translate, pagpapakilala daw kay Cat is “Australian represented Philippines.”

“Exactly. Kaya din siguro parang shocked with minimal facial reactions si Cat?”

Ang flow ng usapan sa social media kahapon.

Bago ito ay ginawan din ng intriga ang biyahe nito sa Colombia habang humahagupit ang bagyong Ulysses sa bansa.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with