^

Pang Movies

Mga celebrity, kumakatok ng tulong

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Siguro naman kahit matigas ang puso mo at meron kang pera, imposible namang hindi ka magbigay sa nakikita mong kalagayan ng mga nasalanta ng baha at bagyo. Siguro naman, habang sinusubo mo ang masarap na pagkain, you feel a pinch in your heart doon sa nakita mo na halos wala nang makain.

At kung meron ka naman sobrang pera, para namang napaka-selfish mo na hindi mag-share sa panahon ngayon.

‘Yung mga nagtataka kung bakit kailangang mag-fundraising samantalang mukha namang madali o hindi magiging mahirap mag-donate, kahit isang milyon ang artistang nananawagan dahil sa mga nakita mong luho na ipinagmamalaki nito, hayaan na natin. The mere fact na humingi siya ng tulong para sa mga nasalanta, enough na para malaman natin na kumakatok ang puso niya.

Ok nga, siguro kahit tig-isang milyon lang bawat isa sa mga star natin na tumatanggap ng malaking TF makakabuo na ng malaking amount para sa tulong na ibibigay. Malay natin, nagbigay na sila at ‘di lang natin alam, dahil hindi naman dapat ipinaaalam ang lahat. Mas class nga ‘yung tahimik lang magbigay, hindi maingay. Basta now is the time, ngayon ang tamang oras ng pagtulong.

Mga bagets maraming natutunan sa health protocols

Alam mo ba, Salve, na cute na cute ako sa mga bata na naka-face mask?

Palagay ko ‘pag nakasanayan nila ang pagsusuot ng face mask, mas makakabuti sa atin. Imagine, magiging safe sila sa sipon, ubo, TB at lagnat ‘pag nagsuot ng mask. Eh mahilig tayong Pinoy sa crowd, sa face to face daldalan, kaya mabuti na masanay sila sa pagsusuot ng face mask.

At dahil talagang binabantayan ang paghuhugas nila ng kamay at paggamit ng alcohol, hayun, marami na ring bata ang nasanay dito.

Maganda rin ang nagawa ng health protocols, dahil tingnan mo ang mga bata, sumusunod talaga sila, at kahit bata alam nila ang meaning ng virus ha.

Hayaan na nating tuluy-tuloy ang paggamit ng face mask, pati ang paghugas ng kamay at paggamit ng alcohol, gawin na nating habit na tuluy-tuloy kahit may panlaban na sa COVID-19 na bakuna para mas matibay na tayong lahat lalo na ang mga bata ‘pag may pumasok pang bagong virus.

vuukle comment

BAGYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with