^

Pang Movies

Derek at Andrea, nanghihingi ng space

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Larawan pa raw ng kaligayahan ang showbiz couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa shoot ng GMA Network’s Christmas station ID.

Kaya naman marami ang nagulat nang kumalat sa social media na in-unfollow ni Andrea si Derek sa Instagram, tinanggal ang ilang pics nito sa IG niya at gayundin si Andrea.

Wala pang opisyal na pahayag ang dalawang panig. Wala pa ring sagot sa amin ang manager ni Derek na si Jojie Dingcong.

May nagtanong na netizen tungkol sa hiwalayan pero walang sinagot ang aktor tungkol dito. Sa halip ay sinabihan niyang bastos ang isang netizen na nagsabi na matapos ang tikiman ay hiwalayan ang kasunod.

Magsasama dapat sa Kapuso series na Sanggang Dikit sina Derek at Andrea.

Inalam namin sa isang GMA executive ang tungkol dito pero wala pa itong sagot as of this writing.

Eh ano naman kaya ang mangyayari sa vlog nilang dalawa? Goodbye na rin kaya ito dahil sa balitang hiwalay na sila?

Kabilang pa naman sa vlog nila ang bagong bahay na ipinatayo ni Derek sa Alabang. Super happy pa sila sa vlog na nilang ‘yon, huh!

Ayon naman sa kampo ng dalawa, bigyan muna sila ng space para maayos ang anumang problema sa kanilang relasyon, huh!

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with