^

Pang Movies

Rita balik-teleserye, matagal nakapahinga

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Rita balik-teleserye, matagal nakapahinga
Rita

Marami ang natutuwang fans na muli nilang mapapanood sa teleserye ng Kapamilya ang aktres na si Rita Avila - sa seryeng Ang Sa Iyo Ay Akin directed by FM Reyes, na loving husband ni Rita. Starring sa natu­rang serye sina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby at Maricel Soriano.

Medyo matagal na ding hindi napapanood si Rita mula nang sumalakay ang pandemonic na COVID-19.

Well, abangan na lang at malapit na siyang mapanood sa book 2 ng serye kung saan mas tumitindi pa ang mga eksena.

Willie, sanay nang tumulong

Kahanga-hanga si Willie Revillame nang ibenta niya ang kanyang kotseng worth P7M para sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Dahil sa awa niya sa mga taga-Montalban, Rizal at Marikina City na hinagupit ng bagyo ay gumawa agad ito ng paraan para makapagbigay ng donasyon.

Naisip ni Willie na puwede naman niyang bawasan ang mga magagara niyang kotse sa panahong ito ng taghirap.

Ipinaabot nito sa mayor ng dalawang lugar ang perang pinagbentahan ng sasakyan nito.

Personal ring nakabisita ang TV host sa Catanduanes at ibang parte ng Bicol na nabiktima ng nauna nang bagyo na Rolly.

Talagang maaasahan si Willie pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Nora, ‘di natiis ang mga kababayan

Maging si Superstar Nora Aunor ay hindi rin natiis at nagbigay ng tulong sa mga kababayan sa Naga at Camarines Sur.

Sa San Mateo pala nag-lock-in taping ang Bilangin Ang Bituin sa Langit kung saan apektado rin ng baha. 

Pero kahit abala ito ay naasikaso pa rin nito ang pagpapadala ng tulong sa mga kababayan.

Kanya-kanyang ayuda...

Marami talaga ang natutong magdasal noong sumalakay ang bagyong Ulysses.

Eh bago ang bagyo may pandemya na kaya siguro naging mas matindi pa ang pagdarasal ng karamihan sa atin.

Pero bukod sa dasal, marami namang humanga sa pagtulong na ginawa ng ilang artista sa kanya-kanyang paraan gaya na lang ni Jericho Rosales kasama ang asawang si Kim Jones na gumamit ng surfboards para makasama sa rescue operations.

Ang samahang Aktor.Ph naman na grupo ng mga artista na pinangungunahan nina Dingdong Dantes, Angel Locsin at ng iba pa ay patuloy din na nananawagan ng tulong para sa mga biktima. Namataan din na personal na lumipad patungong Tuguegarao sina Ruffa Gutierrez, mga anak na sina Lorin at Venice, kasama rin sa grupo sina KC Concepcion, Mayor Chavit Singson at Pinky Tobiano.

Sa panahong ito, kailangan talaga ng mas maraming tulong at samahan na rin ng dasal para makabangon ang mga apektado ng magkakasunod na sakuna.

vuukle comment

RITA AVILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with