^

Pang Movies

Sam, naka-jackpot sa career at GF

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Sam, naka-jackpot sa career at GF
Sam

Feel ni Sam Milby ay naka-jackpot siya nang mapasama sa cast ng kasalukuyang trending series, Ang Sa Iyo Ay Akin.

Bukod sa mga popular, ang huhusay pa ng kanyang mga co-star sa series. Consider nga naman: Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Maricel Soriano.

Magkakaroon siya ng relasyon sa roles na ginagampanan nina Jodi at Iza. Kaya, natural na may confrontation scenes siya sa dalawa.

Bale ba, ang magaling at kilalang direktor na si FM Reyes ang namamahala rito with Avel Sunpongco as his co-director.

A team, headed by writer and scriptwriter, Keiko Aquino, ang sumulat ng series.

Now on its second season, kumbaga, may ibang magagaling ding artista ang nadagdag sa cast. Rita Avila at Joseph Marco are just two of them.

A new love team is introduced: Grae Fernandez at Kira Balinger.

Neither can Sam ask for more, where his lovelife is concerned. Agree siya that he found an ideal girlfriend in former Miss Universe, Catriona Gray.

Ten years daw ang gap nila (he is 36) but, hanep daw ang things they have in common.

Pareho silang family-oriented and they share a number of advocacy, too.

Kamakailan lang ay namigay sila ng bike sa ilang alam nilang nangangailangan.

Rabiya, gusto rin maging doktor

In her guesting recently sa talk program na Magandang Buhay, hosted by Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, binanggit ni Rabiya Mateo, newly crowned Miss Universe Philippines, kinailangang makipanood sa TV set ng isang kapitbahay nila sa Iloilo ang kanyang ina para mapanood ang proceedings, hanggang sa ma-proclaim siyang Miss Universe Philippines.

Nataon daw kasing sira ang TV set nila noon at hindi pa maipagawa.

Well, her mom now has a brand new TV set na nabili raw ni Rabiya, from her prize money she won sa pageant.

Hangga’t hindi raw talaga kailangan tinitipid ni Rabiya every centavo she earns. At least daw, more than a little sa panggastos nila ng kanyang ina at nag-iisang kapatid na lalaki ang kinikita niya as a Physical Therapy lecturer sa isang university sa Iloilo.

With her mom’s permission, nag-iipon daw sila. Gusto raw niyang makapag-aral muli. If possible, type raw niyang maging doctor.

Isang medical doctor daw kasi ang kanyang ama, na isang Indian.

Naghiwalay nga lang daw ito ang kanyang ina nang kapwa pa sila maliit ng kapatid.

Ngayon type niyang maka-reunite ang ama, na balita niya raw, ay based sa ibang bansa.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with