^

Pang Movies

Heart, nagpinta ng filipiniana para sa mga binagyo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Heart, nagpinta ng filipiniana para sa mga binagyo

Ginamit ni Alden Richards sa mabuting layunin ang kanyang AR Streaming para makalikom ng pera bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

As of this writing umabot sa USD 4,624  katumbas ng P222, 559 ang donasyong ibinigay sa kanya. “Maraming salamat sa lahat ng nag donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya para sa nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe,” tweet ni Alden kalakip ang screen shot ng total donation.

Samantala, may pa-auction naman si Heart Evangelista ng isa niyang Filipiniana gown na dinisensyo ni Mark Bumgarner na kanya namang pinintahan.

Layunin niyang makalikom ng pondo pantulong sa mga biktima ng bagyo.

Ang couple namang sina Rocco Nacino at volleyball player na si Melissa Gohing, namahagi ng relief goods at damit sa Rodriguez, Montalban Rizal.

Kasama nina Rocco at Melissa sa pamimigay ang S.T. A.R.S ng Philippine Navy at Marines.

Mga taga-Marikina naman ang pinuntahan ni Ai Ai de las Alas upang mamigay ng pagkain at inumin.

May mga tumutuligsa man sa ilan nating artista na hanggang pag-arte at pagpapaganda lang daw ang nalalaman, busilak pa rin ang puso na likas ang pagtulong nang walang hinihinging kapalit!

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with