^

Pang Movies

Lucy, ‘di matanggap na dalaga na si Julianna

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Lucy, �di matanggap na dalaga na si Julianna

Cute naman ‘yung nabalitang reaction ni Mayor Richard Gomez ‘pag merong ipinakikilalang guy ang anak na si Julianna. Kasi nga nag-iisang anak kaya medyo very strict at hindi pa nakasanayan nina Richard at Lucy Torres na dalaga na pala ang anak nilang si Julianna.

Sabi nga ni Lucy para sa kanya, 12 years old pa lang si Julianna at parang hindi niya matanggap na dalaga na ito.

Ganu’n yata ang parents lalo na ‘pag nag-iisa ang anak nilang babae, ingat na ingat at very protective. Pero seeing Julianna growing up to be a very intelligent, smart girl she is now, parang kayang-kaya niyang i-handle ang sarili, at alagaan para hindi mag-alala ang mga magulang niya. Happy family kasi ang mga Gomez, kaya maganda ang paglaki ni Julianna.

Ihanda na talaga nina Richard at Lucy ang mga sarili sa maraming manliligaw sa maganda nilang anak na si Julianna dahil pila tiyak ang mga admirer niya. 

Angel, mas maaalala sa kanyang pagtulong

Ayos na raw sina Angel Locsin at Gen. Antonio Parlade. Nagkaliwanagan at naayos na sa mabuting usapan.

Ganyan lang naman kadali, dapat maayos ang kahit anong usapan, hindi naman magtatagal kung aayusin agad.

Kahit nga ang trolls na iniinis si Angel tungkol sa pagtaba niya ay hindi dapat pansinin kasi do they matter? Does it matter?

Ang mga hindi dapat pinapansin, huwag nang pansinin, aksaya lang sa oras. Hindi naman importante ang katawan. Ang importante ay ‘yung utak at puso, iyon ang pinakamagandang parte sa katawan ni Angel, basta nandu’n pa rin ang mabait niyang puso at malawak na utak. Who cares about her body?

Angel Locsin will always be remembered sa pagtulong niya, balewala ang paglobo ng katawan niya.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with