^

Pang Movies

Mga alagang hayop, apektado ng kalamidad

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Naku ha, hindi lang mga tao ang apektado sa baha, pati rin pets - dogs, pusa, lahat ng alagang hayop affected. Iyon iba, iniwan na dahil nga madalian ang evacuation, ang iba naman namatay dahil nalunod.

Kawawa rin ang mga pet sa ganitong sitwasyon.

Iyon ngang nangyaring demolition sa Bulacan, iniwan na lang ang mga alaga nilang aso at pusa. Pero siguro ayaw din silang iwanan pero walang magawa mga nag-alaga sa kanila.

Now, para rin silang mga tao na at a lost where to go, what to do, mamatay din sila dahil walang nag-aalaga. Hindi ba iyon mga mata ng aso ang pinaka-malungkot na mata na makikita mo? Iyon para bang nanghihingi ng kalinga at pagmamahal.

How can you just leave them? Para na rin iniwan mo ang isang bata na mag-isa, hindi alam ang gagawin.

Sana naman, kahit kalahati sa mga naiwang pets may mag-ampon at mag-alaga.

Dongyan, laging busy sa pagtulong

Tiyak ako, busy na naman sila Dingdong Dantes at Marian Rivera sa paghahanda ng mga pagkaing ipadadala sa mga evacuation center.

Usually iyon ang tulong na ibinibigay nila Dingdong at Marian, iba pa sa tulong na ibini­bigay ng Yes Pinoy ni Dingdong.

Likas na maawain ang mag-asawa kaya kusa talaga ang pagtulong na ginagawa nila. Mula pa noon, laging nauuna sa pagbigay tulong sila Dingdong at Marian kaya naman marami ang blessing na dumarating sa kanilang mag-asawa.

Maalalang ang Yes Pinoy ay binuo ni Dingdong para makatulong sa mga kabataang nais mag-aral.

Kadalasan lihim ang pagtulong nila dahil gusto nila na sinuman makatanggap ng ibinigay nila ay walang pressure na ma-feel na para bang merong utang na kailangang bayaran sa kanila. Para sa kanila, iyon pagbibigay ng tulong ay isang bagay na ginagawa na hindi kailangan hanapan ng kapalit.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with