^

Pang Movies

Angel nanawagan para sa Cagayan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Angel nanawagan para sa Cagayan
Angel

Binaha ng hashtag na #CagayanNeedHelps ang Twitter ni Angel Locsin.

Nakakaranas ng matinding baha na dulot ng bagyong Ulysses ang probinsiya ng Cagayan at Isabela.

“I saw a lot of #CAGAYANNEEDSHELP in my comment section asking us to help their situation.

“To our friends from the news department na nababasa ito, baka sakaling pasilip ang kanilang sitwasyon para makatulong sa awareness at mabigyan ng agarang tulog?

“Salamat po,” tweet ni Angel.

Kaugnay nito, umapela rin ng dasal at tulong ang Filipino-American social media influencer na si Bretman Rock lalo na’t ang kanyang childhood home ay isa sa nakalubog sa tubig.

“Praying for my Home Town in the Philippines. We were stuck with 4 typhoons and home is literally submerged underwater…

“I know there are so many things happening in the world right now but I just thought I would bring some awareness to this #prayforCagayan,” tweet ni Bretman.

Nawa’y mabigyan ng tulong ang mga taong nabiktima ng bagyong Ulysses hindi lang sa Cagayan at Isabela kundi pati na rin sa ibang lugar tulad ng Marikina, Pasig, Rizal at iba pa.

Patuloy rin natin silang ipagdasal na ligtas at maging matatag sa sinapit nila!

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with