^

Pang Movies

Angel, Marian at Anne, nanawagan ng donasyon

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pinusuan ni Angel Locsin ang panawagan ni Marian Rivera ng tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ulysses via her Instagram.

Project ng grupong Aktor na pinamumunuan ng asawang si Dingdong Dantes ang pangangalap ng tulong. Katuwang niya rito ang CBCP, Caritas PH, Andrew’s Fund PH at Yes Pinoy Foundation.

Nakalagay sa IG account ni Yan ang iba’t ibang accounts para sa monetary donations.

Samantala, si Angel naman ay humingi rin ng tulong at sinabi sa IG na sa Red Cross magbigay ng donation.

Nagpasalamat si Senator Dick Gordon at chairman ng Red Cross sa post ni Angel.

Updated din si Anne Curtis sa nangyayari sa bansa at kung paano muling sinalanta ang Bicol region ng bagyong Ulysses matapos ang bagyong Rolly.

Nanawagan din si Anne sa mga gustong tumulong na suportahan ang Unicef Philippines na proteksiyon ng mga bata naman ang tinutulungan.

Pagdating sa pagtulong, bukas-palad talaga sina Marian, Angel at Anne, huh!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with