^

Pang Movies

Mag-asawang Jericho at Kim nag-surfboard, tumulong sa rescue operations Cristine at Richard naalala sa Ulysses!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Mag-asawang Jericho at Kim nag-surfboard, tumulong sa rescue operations Cristine at Richard naalala sa Ulysses!

Si Cristine Reyes ang naalala ng karamihan sa showbiz nang bumulaga ang mataas na tubig sa Marikina at nagpalubog sa malaking lugar doon.

Ganundin din si Richard Gutierrez na nag-rescue noon sa actress gamit ang isang borrowed speedboat habang nasa bubong ang actress ng kanilang bahay na binaha.

Wala na si Cristine sa Marikina at nakatira na siya sa high end subdivision sa kasalukuyan.

Pagkatapos ng more than 11 years naulit ang mga ganung pangyayari.

Parang nilamon ng tubig ang maraming lugar hindi lang sa Marikina kundi maging sa Kabikulan at Quezon.

Habang sinusulat namin ito ay marami pa ang hindi nari-rescue sa bubong ng kanilang bahay dahil masyado pang mataas ang tubig at hindi kaya ng speedboat sa Marikina.

Samantala, mabilis na kumilos si Jericho Rosales at misis niyang si Kim Jones kahapon nang paggising nila ay ang nakakawindang na kalagayan ng maraming ka-village nila ang bumuluga sa mag-asawa.

Gumamit ang mag-asawa ng surfboards para tulungan ang rescuers. “This mor­ning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard.

“Okay naman ‘yung mga napuntahan namin sa bahay, safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na ‘yung agos and wala pang boats,” banggit ng actor sa interview ng ABS-CBN.

Ginawa na actually ito noon ni Jericho, nang magkaroon ng Ondoy na halos ganito rin nga ang naging epekto sa maraming lugar sa Metro Manila.

Pero para sa aktor, parang mas malala itong Uly­sses kesa Ondoy.

“Kasi parang paggising ng mga tao, napuyat sila kagabi, paggising nila ganyan na. Maraming taong hindi nakaalis. Based on sa nangyari na before tapos caught by surprise na naman tayo na ganito, I think in that sense medyo mas malala ito,” dagdag niya pa sa ABS-CBN.com.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with