^

Pang Movies

Lovi, hindi nawawala ang hilig sa pagkain

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Lovi, hindi nawawala ang hilig sa pagkain
Lovi

Mahilig kumain, kaya pagkain ang madalas kong iregalo kay Lovi Poe!

Hanggang kahapon nga ay panay pa rin ang pasalamat sa akin ng sexy actress/singer para sa pork/chicken floss buns na ipinadala ko sa kanya noong Wednesday. “I love floss!” sabi ni Lovi.

‘Katuwa nga si Lovi dahil nag-dialogue pa na alam na alam ko raw kung paano siyang pasasayahin.

Sa entertainment editor na si Ian Fariñas ako umo-order ng pork/chicken floss buns at maging sina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, Snooky Serna, Congressman Alfred Vargas, Congressman Lito Atienza, Congressman Ronnie Ong at iba pa ay very much appreciated kapag pinadadalhan ko no’n dahil masarap daw.

Going back to Lovi, dahil mahilig siyang kumain, mahilig din siyang mag-exercise at weight training para hindi tumaba.

Isa nga siya sa nakakapag-maintain ng sobrang kaseksihan, pero nakakakain pa rin ng mga gusto niya, huh! ‘Kainggit!

Jana, handang tumanggap ng trabaho

In fairness, maraming mga taga-showbiz ang nakakaisip ng food business ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Si Jana Victoria nga, may mga food basket din na ibinebenta. May cleaning service rin siya na ang lakas-lakas daw ngayon.

Noong isa nga si Jana sa hindi na isinama sa lock-in taping ng Love Thy Woman, mas natutukan pa raw niya ang kanyang mga business.

That time rin, ayaw rin naman niyang mag-lock-in taping dahil siya ang nag-aala­ga sa teenager niyang daughter. Pero marami namang kasosyo si Jana sa kanyang mga business at ang tatay raw ng anak na si Jordi ay nakabalik na rin ng bansa (hiwalay sila) at kung sakaling may offer daw na mag-lock-in taping siya ay papayag na naman daw itong magbantay muna sa anak nila.

Like Lovi nga pala, mahilig ding mag-exercise at weight training si Jana, kaya kahit panay ang kain niya. Remember her movie Lagarista with Piolo Pascual? Aba, halos ganoon pa rin ang kaseksihan ni Jana kahit halos 20 years ago na ‘yon!

Ang bongga!

Major star ng WHP, naghahanap ng bagong manager

Ang lock-in taping ngayon sa Subic, Zambales ng Walang Hanggang Paalam ng ABS-CBN.

Nakailang lock-in taping na rin sila at may nag­tsika sa akin na last na raw ‘yon.

Marami rin naman daw kasing advance episodes na nakunan na ang nasabing action-serye ng Kapamilya network.

May nakapagtsika nga pala sa akin na isa sa major cast ng Walang Hanggang Paalam ay naghahanap daw ng bagong manager.

Iiwan na rin kaya ng artistang ‘yon ang Star Magic o wala na siya sa nasabing talent management division ng ABS-CBN?

Well… well… well… ‘Yun na!

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with