^

Pang Movies

Mga artistang nagbabangayan, hindi bagay sa pandemya

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Maraming nakapansin na hindi maganda ang naging dating ng mga celebrity na nagsisiraan at nagpipintasan lalo na sa pisikal na aspeto.

Kamakailan ay nakatanggap ng panlalait si Arnell Ignacio mula sa kapwa artista. Hindi na raw ito tinutubuan ng buhok at laging naka-wig.

Hindi na kailangan pang banggitin ang mga ganitong bagay lalo na kung kulay-pulitika ang dahilan.

Mapapansing ang mga artista ay nagbibigay ng kanya-kanyang opinyon sa pulitika nitong mga nakaraang araw at sila-sila mismo ay nagbabanatan.

Naku, sana naman tumigil na ang ganitong attitude at sa halip ay magkaisa at ipagdasal na lang natin ang isa’t isa. Hilingin na lang natin sa Diyos na lumayas na ang pandemonic coronavirus.

Kris, hinihintay mag-ayuda

Marami pa rin ang nakataas ang kilay nang sabi­hing hindi raw kilala ni Kris Aquino si Mr. Fu na plano sanang makasama sa show nina Manay Lolit Solis at Manay Cristy Fermin.

Hindi pumayag si Kris at kinukuwestyon daw kung sino si Mr. Fu.  Wow, dating Queen of Talk Show pa naman si Kris pero hindi nito kilala ang radio-TV personality?

Mabuti pa nga raw ang manikuristang si Luning­ning at kilala si Mr. Fu dahil araw-araw may radio show at online show naman tuwing Tuesday kasama nina Manay Lolit at Cristy na Take It… Per Minute Me Ganun sa Pilipino Star NGAYON Facebook page.

Sa panahong ito ng pandemya at matinding bagyo, itigil na sana ang ganyang klase ng atake dahil pantay-pantay na lang ngayon sa showbiz. Marami na ang nawalan ng hanapbuhay, magsusukatan pa ba ng popularidad?

Naku tantanan na nga natin ito. Sana ay maisipan na lang ni Kris na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with