^

Pang Movies

Ai Ai, ang mister na si Gerald ang magiging pa sa lock-in

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ai Ai, ang mister na si Gerald ang magiging pa sa lock-in
Ai Ai

Fifty six (56) years old ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai de las Alas kahapon, November 11!

Nagpasalamat si Ai Ai sa magandang buhay na
ibinigay sa kanya ng Diyos pati na sa mga biyaya mula noon hanggang ngayon base sa post niya sa kanyang Instagram.

Ipinagmalaki rin ng Comedy Queen ang regalo sa kanyang branded bag at flowers ng asawa niyang si Gerald Sibayan.

Ikalimang member ng grupong Black Pink ang bansag sa kanya ng anak na si Sancho.

Birthday wish ni Ai Ai, COVID-free 2021 at wala nang bagyo. “Para makabangon kababayan naten,” text ni Ai ng kanyang birthday wish.

Anyway, bukod sa singing competition na The Clash, sasabak na siya sa bagong Kapuso series na Owe My Love.

Ayon sa kanya, magbabaon siya ng lutuan, kaldero at organic food na kinakain niya ngayon.

Isa lang ang pinayagang kasama ni Ai Ai at ang asawa niyang si Gerald ang kasama niya sa lock-in taping simula sa November 14.

Papapel na driver, cook, PA at all-around si Gerald habang nagti-taping siya.

Happy, happy birthday, Ai Ai!

vuukle comment

AI AI DE LAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with