^

Pang Movies

Korina, nakipagbangayan sa supporters ni Trump

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Korina, nakipagbangayan sa supporters ni Trump
Korina

Nakatikim ng katakut-takot na bashings si Korina Sanchez matapos siyang mag-post ng congratulatory message sa bagong leaders ng Amerika.

Nag-post si Korina ng larawan nina US President-elect Joe Biden and Vice President-Elect Kamala Harris at sa caption, she wrote, “a new day in America. A new day in the world. Welcome back.”

Of course, hindi ito nagustuhan ng mga suppor­ters ng dating Presidente at mahigpit na nakalaban ni Biden na si Donald Trump kaya naman katakut-takot na pangba-bash ang naranasan ni ate Koring.

Isang netizen ang inakusahan pa siya na nagpa-plastic surgery.

“Korina, bakit ka binitiwan ni Noynoy? Dahil ba sa plastic surgery ng face mo after your car accident?” komento ng netizen.

Pero palaban si ate Koring dahil matindi rin ang naging sagot niya sa basher.

“Ahhhh baket ampanget mo? Dahil ba panget din ang parents mo?” sagot ni Korina.

May nagkomento rin na wala raw alam si Korina sa US politics at sagot naman ng broadcaster/journalist, “Hay. And you obviously weren’t taught by your parents and in school how to RESPECT other people’s choices. So there.”

May netizen na nagtanggol kay Trump at kung ano ang nagawa nito sa

American people at sagot naman ni Korina, “I don’t like Trump. Let’s respect each other’s choices, ok?”

Angelica at Zanjoe, nagka-debelopan?!

Inulan ng comments ang latest IG post ni Zanjoe Marudo na larawan niya habang nag-iisang nakaupo sa isang garden filled with lights at tila may hinihintay or tinitingnan.

Sa caption, he wrote,  “kuwyet alown w/ u.”

Sa comments section, may nagkomento na in-love raw ngayon si Zanjoe kay Angelica Panganiban.

Ang dami namang natuwa at sana nga raw ay totoong magdyowa ang dalawa.

“Sure tlga ako dahil dun sa greeting ni paulo avelino kay angge ee si zanjoe tlga tinutukoy nya dun sa ask Angelica malakas tlga pkiramdam ko na sya tlga yun,” komento ng netizen.

Sina Zanjoe,  Angelica at Paulo ay magkakasama ngayon sa bagong serye ng ABS-CBN na Walang Hanggang Paalam at ito rin siguro ang dahilan kung bakit nili-link ngayon si Angge kay Z.

At ang nakakatuwa, bumubuo na pala sila ng fan group called ZanGel fans.

Sa nakaraang birthday episode ni Angelica sa kanyang online show na Ask Angelica ay tila nadulas ang aktres na may bago na siyang pag-ibig. Tinanong kasi ni Vice Ganda sa kanya kung sino ang type niyang guy na maging romantically involved with at sinagot niya ay Bradley Cooper. Nang sabihan siyang sa local dapat, sagot niya, “sa local, wala. Meron na ‘ko.”

Pero binawi naman niya ito agad at aniya, “wala, wala, okay na ‘ko. Hindi ko na kailangan ng ganu’n sa life.”

Pero nakakaintriga ang mensahe ni Glaiza de Castro sa kaibigan. Aniya, “salamat sa pagke-care mo sa’kin at ngayon ‘di ka na mahihirapan kasi may nagke-care na sa’yo. Basta alam mo na ‘yun!”

Ang alam namin ay in a relationship pa si Zanjoe sa surfer na si Josie Prendergast at wala namang balitang nag-split na sila kaya nagtataka kami kung bakit tinutukso sila ni Angelica ng netizens.

 

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with