^

Pang Movies

Piolo, tinupad ang pangakong mga bisikleta kay Gretchen

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Piolo, tinupad ang pangakong mga bisikleta kay Gretchen
Piolo at Gretchen

Tinupad ni Piolo Pascual ang pangako kay Gretchen Ho na magdo-donate siya ng bike para sa  Donate A Bike, Save A Job project ni Gret­chen. Noong November 9, sa Quezon Memorial Circle, na-turn over ni Piolo ang first 100 bikes sa 200 bikes na pledge niya. Sa November 15, ibibigay ni Piolo ang second batch o 100 bikes.

Ini-launch ni Gretchen ang project last August at ang goal niya ay makapagbigay ng 500 bikes sa mga nangangailangan na mga manggagawang Pilipino at gagami­ting transportasyon sa pagpasok sa trabaho at paghahanapbuhay.

Nauna nang nag-donate sina Catriona Gray, Sam Milby, Angel Locsin via her TV show Iba ‘Yan, Zanjoe Marudo, Kapuso talents Lyn Ching at Suzie Abrera at marami pang iba.

Sa rami nang nag-donate ng bikes, parang sumobra na sa target nina Gretchen at mga kasama niya sa project, ibig sabihin, mas marami pa silang mabibigyan ng bisikleta.

Gabby, ayaw pa ring ilantad ang asawa

Ang gaganda rin ng dalawang anak na babae ni Gabby Concepcion na ang litrato, nakita namin sa IG Story ng aktor noong birthday treat sa kanya ni KC Concepcion. Lumabas ang genes ng mga Concepcion sa mga anak ni Gabby na sina Savannah at Samantha sa The Farm sa San Benito, Batangas.

Bale, apat na anak ni Gabby ang kasama niya sa kanyang birthday dahil bukod kay KC, Savannah at Sam, present din ang anak na si Garie Concepcion.

Ang wife na lang ni Gabby ang hindi pa natin nakikita dahil ayaw siyang ilantad ng aktor na tama rin naman para napapanatili nito ang privacy.

Speaking of Gabby, matutuwa ito dahil excited na ang Kapuso stars na makatrabaho siya sa First Yaya. First time nina Cassy Legaspi at Joaquin Domagoso at ng leading lady niyang si Sanya Lopez to be wor­king with him, kaya i-expect ni Gabby na may mai-starstruck sa kanya kapag nagsimula na ang kanilang lock-in taping.

Robin, pinatay din sa social media

Si Robin Padilla ang latest personality na pinatay na naman sa social media at pinost ni Robin sa kanyang Instagram page ang fake news item sa pagkamatay niya na nasa FB ng isang Ro Cuevas. Hindi nabanggit sa fake news item kung ano ang ikinamatay ni Robin, nakiramay na lang ang nasa likod nito kay Mariel Rodriguez.

Sa comment ni Mariel na lagi na lang nape-fake news ang asawa, ang sagot ni Robin, “wala naman tayo magagawa @marieltpadilla nagreklamo na ako sa NBI cyber crime patungkol sa mg katulad ni krissy nagpunta pa ako don kasama si atty jurado 2016 pa pero hanggang ngayon walang resulta. Ipagpasa Dios na lang natin at patuloy lang tayo magbayad ng tax para may panggastos ang nbi.”

Speaking of Robin, natutuwa ang fans nila ni Mariel sa paggi-guest ni Vina Morales sa vlog ni Mariel. Mas masaya raw sana kung may part two ang guesting na ‘yun ni Vina at kasama na nila si Robin. Tutal nagisa na naman siya sa paghaharap nina Mariel at Vina, lubusin na niya at maki-join siya sa interview ng dalawa. Magkasama sina Robin at Vina sa musical-sitcom show ng Net 25 na Kesaya-Saya, kaya wala nang ilangan sa kanilang dalawa.

Nabasa pala namin ang pasasalamat ni Vina sa ipinadalang flowers ni Mariel bilang pasasalamat naman sa pagpayag niyang mag-guest sa kanyang vlog.

Payag din ang dalawa na magkaroon ng part two ang guesting ni Vina, kaya abangan na lang!

Christian may bagong trabaho sa virtual concert ni Alden

Hindi pa uli nagpo-post sa kanyang Instagram si Christian Bautista, inis na siguro ang bashers ng isa sa clash panel ng The Clash dahil hindi nila maaway si Christian. Lagi kasi siyang hinahanapan ng mali ang pagdya-judge sa singing competition ng GMA 7 at may galit na galit pa ngang nagsabing hindi niya deserve maging judge.

Pero, karamihan sa viewers ng The Clash, gusto ang pagiging teknikal ni Christian in judging at nakakatuwa nga dahil pati ‘yung kaliit-liitang mali o pagkukulang ng contestant o ‘yung mga hindi napapansin nina Ai Ai delas Alas at Pops Fernandez na pansamantalang pumalit kay Lani Misalucha ay napapansin ni Christian.

Anyway, mas marami pa rin naman ang naniniwala kay Christian at kung paano niya hinihimay ang bawat contestant, kaya ang payo sa kanya, ipagpatuloy lang ang ginagawang pagki-critique.

Samantala, si Christian pala ang line-producer sa virtual concert ni Alden Richards billed Alden’s ­Reality. Bagong trabaho ito sa kanya at tingnan natin kung paano siya maging line producer.

vuukle comment

GRETCHEN HO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with