^

Pang Movies

Bianca, suwerte sa pagiging Muslim

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Bianca, suwerte sa pagiging Muslim
Bianca

Masuwerte ang young actress na si Bianca Umali, dahil pagkatapos niyang gawin ang matagumpay at award-winning cultural drama na Sahaya, na gumanap siyang isang Muslim na naging unang teacher sa kanilang lugar sa Tawi-Tawi, siya muli ang napili ng GMA Entertainment Group na gumanap sa isa pang malaking proyekto, ang Legal Wives at first time silang magtatambal ni Kapuso Drama King Dennis Trillo. Isa si Bianca sa magiging legal wife ni Dennis, kasama sina Alice Dixson at Andrea Torres. Ito ang magiging unang adult role ni Bianca.

Iikot ang story ni Ishmael (Dennis) isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa sina Amirah (Alice), Diane (Andrea) at Farrah (Bianca).

Kaya nagkaroon na ng look-test sina Dennis at Bianca, ganoon din ang mga mahuhusay na artista, sina Cherie Gil as Zaina at si Al Tantay as Hasheeb, na gaganap na mga magulang ni Ishmael, ganoon din sina Shayne Saba at Abdul Raman, sa kanilang unang teleserye pagkatapos ng StarStruck 7.

Sa ngayon, kasunod ng look-test ang paghahanda nila ng lock-in taping na tiyak na uubos ng maraming araw dahil bago pa lamang silang magsisimula ng produksiyon.

Baeby Baste, tuloy ang trabaho online

Kahit hindi napapanood ngayon si All Access to Artists child actor na si Baeby Baste sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, ay tuloy naman siya sa kanyang online classes at sa pagganap niya ng ilang projects. 

Mayroon siyang Book Development Project at may participation sa National Children’s Month.  May culmina­ting Activity and Book Launching sila ng Children’s Book. Naimbita rin si Baste to be a Child Ambassador of Good Neighbors Philippines.

Magkakaroon sila ng launching sa November 27, sa pamamagitan ng Facebook Live.

K-drama ni Heart, ibabalik 

Masaya ang fans ni Kapuso actress Heart Evangelista at ng mga K-drama addicts, ang pasya ng GMA Network na muling ipalabas sa GMA Telebabad ang ground-breaking Kapuso series na My Korean Jagiya, katambal ang Korean Superstar na si Alexander or Xander Lee.  Matagal na rin kasing hindi napapanood sa teleserye si Heart, at ito pa ang huli niyang ginawa two years ago.

Matatandaan na ilang linggo ring nag-shoot ng mga eksena sa South Korea sina Heart, direk Mark Reyes at ang kanyang production staff. At si Alexander at ilan pang Korean stars ay nag-shoot naman ng mga eksena nila sa ilang lugar ng bansa ng ilang linggo rin.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with