^

Pang Movies

One year na ang anak, Sofia wala pa sa planong pakasalan ng maperang boyfriend

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Mukhang wala pa sa immediate plans ng live-in partners, ang young actress na Sofia Andres (22) at international car racer na si Daniel Miranda (23) ang pagpapakasal sa kabila ng mag-iisang taon na ang kanilang cute baby na si Zoe Natalia sa dara­ting na November 24. Si Zoe ay isinilang sa Sydney, Australia noong November 24, 2019.

Sa halip na wedding, mas pinaghahandaan ngayon ng young couple ang nalalapit na 1st birthday celebration (sa kabila ng pandemya) ng kanilang anak na si Zoe. Nagkaroon ng pre-birthday photo shoot si Zoe kasama ang kanyang parents na ginanap mismo sa Palacio de Memoria, isang pre-war mansion na matatagpuan sa may Roxas Boulevard in Parañaque City at ginawang auction house ng magkapatid na Camille at Angelique Lhuillier.  Si Angelique ang ina ni Daniel na nagmula sa mayamang pamilya ng mga Lhuillier sa Cebu.

Si Baby Zoe ay unang apo ng mag-asawang Martin Miranda at Angelique Lhuillier-Miranda at great grandchild ng diplomat at chairman ng PJ Lhuillier Group of Companies na si Philippe at Edna Diago-Lluillier.

Si Daniel ay may isang nakatatandang kapatid na si Enrique Lhuillier Miranda na nagtapos ng kolehiyo sa Australian Catholic University in Australia.

Kung nanaisin ni Sofia ay puwede na itong hindi na magtrabaho (bilang actress) dahil sa sobrang yaman ng pamilya ng kanyang boyfriend pero ayaw niyang umasa lamang sa kanyang partner bukod sa hinahanap-hanap din ng kanyang katawan ang pag-arte. Nagpapasalamat naman ang aktres na pinapayagan siya ng nobyo na balikan ang kanyang acting career.

Ronnie, hindi kinalimutan ang first love

Alam mo, Salve A., kahanga-hanga ang singer-actor, pilot at Philippine Army reservist na si Ronnie Liang dahil isa siyang magandang halimbawa sa paniniwala na hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang mga pangarap.

Dahil kapos ang kanyang parents na mapag-aral silang lahat ng kanyang mga kapatid, si Ronnie na mismo ang gumawa ng paraan para matustusan ang kanyang pag-aaral hanggang sa siya’y makapag-tapos ng kurso in Education majoring in Physics, Chemistry and Biology sa Holy Angel’s University sa kanyang hometown sa Angeles, Pampanga pero hindi niya ito na-practice dahil napunta siya sa entertainment field.

Si Ronnie ay sumali in 2005 sa Pinoy Pop Superstar singing competition pero naging isa lamang sa mga finalist. In 2006 ay muli siyang sumali sa reality singing competition na Pinoy Dream Academy kung saan si Yeng Cons­tantino ang nanalo at 2nd runner-up naman siya. Ito bale ang nagbukas ng magandang opportunity kay Ronnie na mapasok ang entertainment business.

Although singing at acting ang passion ni Ronnie, nagpatuloy siyang mag-aral. He took up aviation course sa APG International Aviation Academy in Subic kung saan siya nagtapos at sumailalim din siya ng training sa Philippine Army bilang reservist at siya’y 2nd Lieutenant army reservist na ngayon at sumailalim din siya ng Military Operations Officer Correspondence na kanya na ring nakumpleto.

“I am grateful to my Philipine Army family for the opportunity. This is truly an honor and an exemplary privilege,” post niya sa kanyang FB account.

vuukle comment

SOFIA ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with