^

Pang Movies

Rabiya matagal na ang relasyon sa BF, Alden malabong makasingit

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Isa ang dating beauty queen na si Venus Raj sa nagpahayag ng paghanga sa beauty ng kasalukuyang Miss Universe Phi­lippines Rabiya Mateo. Ayon dito, simple pero very attractive raw ito.

Balitang maski si Alden Ri­chards nga raw ay tila tinamaan sa beauty ni Rabiya, dahil nang mag-guest ito sa Bawal Judgmental sa Eat Bulaga, nakuhanang nakatitig ang aktor kay Rabiya na siya namang minalisyahan ng fans.

May bashers namang nang-intriga na hindi raw kaya ginagamit lang ng aktor si Rabiya para sa nalalapit nitong concert?

Hindi naman siguro dahil malamang nagkataon lang na siya ang nakuhanan ng came­ra na nakatitig sa dalaga dahil first time nitong mag-guest sa noontime show.

Besides may boyfriend si Rabiya na sobrang tagal na raw nitong ka-on.

Brgy. Sto. Domingo, may pa-hula hoop contest

Sa darating na November 12 ay magkakaroon ng hula hoop contest sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City ang lady president ng ladies’ association doon na dating aktres na si Amanda Amores. Birthday nito noong November 6 pero pinili nitong hindi isabay ang birthday celebration sa pa-contest niya.

Well, asahang may premyong inihanda para sa bawat contestant na manalo.

Happy si Amanda dahil mababait ang kanyang mga anak na si Michelle Yu na kapitan ng Sto. Domingo at model na si Kia Yu, and, of course, ang poging loving husband niyang si Konsehal Richard Yu.

ABS-CBN, nami-miss pa rin

Nakaka-miss daw ang ABS-CBN sa tuwing may mga kalamidad na nagaganap sa ating bayan. Malakas daw kasi ang signal ng naturang network at naaabot ang mga far-flung areas at agad naibabalita kapag may bagyong paparating.

Marami ang namatay sa paghagupit ng bagyong Rolly, na sinasabing isang dahilan ay hindi raw informed ang mga tao kung gaano kalakas ang bagyong hahagupit.

Nakakalungkot na ngayon pa ito nangyari kung kailan malapit nang dumating ang Pasko.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with