^

Pang Movies

Kris sumagot na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris sumagot na!

May reaction si Kris Aquino sa post ng kaibigan niyang si Dindo Balares tungkol sa isyu nina Kris at Cristy Fermin. Sa post ni Dindo, nabanggit na hindi siya makapamili ng kakampihan sa pagitan ng nanay niya (Cristy) at anak niya (Kris) na pareho niyang mahal at parehong may strong personality.

Kasama pa sa post ni Dindo ang “Pero kung mahal talaga nila ako, tulad din ng pagmamahal ko sa kanila, at gusto nilang magkaayos o magkasundo, alam nilang isang tawag lang ako.”

Heto ang sagot ni Kris kay Dindo: “Dito ako papalag kuya Dindo... nagsalita ba ko laban sa “nanay” mo? Hinarangan ko ba ang grupo nila? Binastos ko ba ang pagkatao n’ya? Sa daming beses na pinagsalitaan nya ko ng lahat ng pinakamasasakit na below the belt na panlalait mula ulo hanggang talampakan–ni minsan ba pumatol ako? Ang alam ko sa away o laban, parang boxing, parehong dapat pumasok sa boxing ring– eh para umeffort nga na pumunta sa Elorde gym wala talaga akong balak mag-commute, mag-Grab o magpa-drive... I saved all the messages @akosilolitsolis & I exchanged starting from October 28. Maglabas sila ng kahit sino mula sa side ng Puregold na puwedeng magpatunay sa mga pinaratang sa akin dahil ang client na producer ang puwedeng magbigay-linaw sa lahat... There are battles worth fighting & there are stories worth correcting, sa dami ng problema ng mga tao at sa mga responsibilidad ko sa bahay, hindi ito ang uunahin kong asikasuhin. Mas makatao at may katuturan kung tumulong ako sa mga Bicolano dahil sila ang talagang mabigat ang dinadala... hindi ako nagbibitiw ng salita lalo na sa pagtulong sa abot ng aking makakaya kung hindi ko ‘to gagawin... I understand you– a person can potentially have many children, but you will only have 1 mother. No hard feelings, yung naging “anak” mo nagbago na talaga pero hindi ibig sabihin nu’n mapapalitan ang dugong nanggaling kay Ninoy & Cory–marunong pa ring manindigan ‘pag sigurado na katotohanan ang pinanghahawakan, hindi lang nga nararamdaman na kailangan pang pagsigawan... ngayon alam ko na– i do not have to attend every fight I’m invited to. I cannot control what people will say about me or do to me, but I can control my reaction & subsequent actions.”

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with