^

Pang Movies

Carla may dalang ‘cooker’ sa taping

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Carla may dalang �cooker� sa taping

Puspusan na ang paghahanda ng cast ng Love of My Life para sa nalalapit na 22-day lock-in taping ng serye lalo pa at karamihan sa kanila ay first time sasabak sa bagong taping protocols.

Dahil mahaba-haba ang magiging lock-in taping nila, ngayon pa lang ay masinsinan nang pinaghahandaan nina Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos, at Mikael Daez ang kanilang mga dapat dalhin sa set.

“Minsan iniisip mo, ‘Kailangan ko ba talagang dalhin ito?,’ ‘Baka hanapin ko kapag nandu’n ako,’ mga ganu’n tsaka ‘yung mga pagkain,” lahad ni Coney.

Sey ni Mikael ay iniiwasan niya ang magdala ng maraming gamit, “As much as possible dahil work trip ‘to I’d like to avoid that. Mahirap kung kulangin ng underwear mga gano’n. Essentials like that sana hindi ko na isipin.”

Samantala, dahil nakaranas na si Rhian ng lock-in taping sa drama anthology na I Can See You: Truly. Madly. Deadly ay natutunan daw niyang magdala ng mahahalagang bagay kagaya ng mini washing machine. “I guess ‘yung mga smaller thing, ‘yung mga intimate things like that, you don’t want them to wash doon sa labas,” aniya.

Dahil limited ang bilang ng tao sa set ay naisipan naman ni Carla na magdala ng portable cooker, “It’s a travel cooker. At least anytime, magutom man, or if anybody wants food, may maliit ako na packable lang siyang cooker.”

Gabby sinagot ang bati ni KC

“I’ll always need a man like you by my side.” Ito ang bahagi ng birthday message ni KC Concepcion para sa amang si Gabby Concepcion na nagdiwang ng kaarawan last Thursday, Nov. 5.

Bukod sa pagbati ay nagpasalamat si KC sa ama sa lahat ng pag-alalay at guidance sa kanya, sa mga panahong inilaan sa kanya at sa mga bonding moments nila.

“Happy happy birthday to my father full of heart and passion, who watches out for me and keeps me alert and active like a big brother would. You’ve always believed in me, thank you for always holding my hand through things when I need to learn something new.

“Sometimes people overestimate my independence but I’ll always need a man like you by my side who can teach me things no one else would,” ang bahagi ng mensahe ni KC for Gabby.

Sumagot naman ang aktor at aniya, “so adorable.”

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with