^

Pang Movies

Dating sexy star na si Aya Medel ‘di makapaniwala sa epekto ng bagyo

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pinost sa Facebook ng dating sexy star na si Aya Medel ang matinding pagsalanta ng Super Typhoon Rolly sa kanilang probinsya sa Bicol.

Taga-Tabaco, Albay si Aya at isa ito sa tinamaan ng malalakas na ulan at hangin na dala ng Typhoon Rolly noong nakaraang linggo.

Paparating pa lang ang bagyo ay takot na takot na si Aya dahil sa sobrang lakas ng hangin at ulan na dala nito na makikita sa video na pinost niya.

Thankful ang da­ting sexy star at ligtas ang tahanan nila kung saan kasama niya ang kanyang dalawang anak. Pero ang aftermath ng bagyo ang siyang nakakalungkot daw makita dahil marami raw ang nawalan ng tirahan at kabuhayan. “Thank you so much Lord, We survived. My family are all safe. Our faith is strong than typhoon Rolly. Life really matter.

“Tabaco, Malinao, Tiwi, Malilipot the first district of Albay is totally not ok. Walang Mahirap or Mayaman sa typhoon. Tubig umapaw lahat, tubig dagat, putik everywhere, wala ng mga bubong mga bahay made of yero karamihan light material house karamihan winasak,

“Yung iba Di natanggalan (ng) bubong nilubog naman Ng tubig.

“Wala naman akong nabalitaan na namatay. COVID cases tumataas kasi halo halo na mga tao dahil nasa evacuation center. Ziga hospital walang bubong. Di ko alam san nilipat mga pasyente.

“A A Berces hospital is now closed kasi severely damage. Wasak lahat ng electric post sa Tabaco. NO ELECTRICITY AND WATER. DOWN COMUNICATION SYSTEM. Di ko pa napasok Malinao and Tiwi. Bukas puntahan ko.  Legazpi may signal ang globe and smart.”

‘Di makapaniwala si Aya sa mga nakita niya sa paligid dahil ultimo ang lumang simbahan nila ay nasira. Pero ang nakakabilib daw ay ang tulung-tulong ang mga taga-Tabaco para muli silang makabangon.

That’s My Bae winner, ‘di na tinatago ang pagiging tatay

Mukhang hindi na tinatago ng That’s My Bae winner na si Kenneth Medrano ang kanyang asawa at anak sa Cebu City.

Sa kanyang Instagram, naka-post ang maraming photos at video ng kanyang anak na si Troian Earl na mag-turn five years old na. “Ang bilis ng panahon! Parang kailan lang karga2x pa kita. Hanggang ngayon kinakarga pa din naman kita pero hindi na kita kaya para kang isang sako ng bigas sa bigat Best gift ever! You’re turning 5 na. You will always be my baby,” caption ni Kenneth.

Nang manalo pala si Kenneth sa That’s My Bae sa Eat Bulaga noong 2015 ay may baby na pala siya.

Kaya pala walang nali-link na ibang babae kay Kenneth dahil may sariling pamilya na pala ito sa Cebu.

Taylor Swift, lumayA nung Nov. 1

Malaya na si Taylor Swift na muling i-record ang kanyang limang hit albums na ikinatuwa ng kanyang fans.

Noong nakaraang November 1 ay legal nang gawin ni Taylor ang pag-record ng new version ng albums niya under Big Machine.

Nasa huling kontrata ng singer-songwriter na sa November 2020 ay malaya na siyang gawin ang mga gusto niya sa kanyang albums na Taylor Swift, Fearless, Speak Now, Red at 1989 kahit na pag-aari pa ni Scooter Braun (Justin Bieber’s manager) ang kanyang music catalog na binili nito sa Big Machine for $300 million.

Nag-trend sa Twitter ang hashtag na #TaylorIsFree at natuwa ang kanyang fans, the Swifties, na pag-aari na ulit ni Taylor ang kanyang music. “It’s something that I’m very excited about doing, because my contract says that starting November 2020, I can record albums one through five all over again. I’m very excited about it. I think that artists deserve to own their work. I just feel very passionately about that,” sey ni Taylor sa Good Morning America.

vuukle comment

AYA MEDEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with