^

Pang Movies

Dingdong at Marian, umaapaw ang blessings

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong at Marian, umaapaw ang blessings

Ang sarap siguro talaga ‘pag ang asawa mo maganda na, masarap pang mag­luto at multi-talented, kaya kahit nasa bahay may nagagawa para kumita.

Imagine ang feeling ni Dingdong Dantes na ang ganda na ni Marian Rivera, successful actress, entrepreneur at mahusay pang magluto.

Grabe ha, sobra nang suwerte ni Dingdong na pati sa pag-aalaga ng kanilang mga anak ay very hands on si Marian, to the point na tinanggihan pa ang First Yaya, dahil nga tutok pa rin ito sa breastfeeding kay Ziggy.

Indeed blessed na blessed ang pamilya Dantes dahil nga sa mga katangiang ito ng mag-asawa.

Si Dingdong din ay walang hinto sa pag-iisip kung paano magkakaroon ng fallback, hindi lang para sa kanya kundi para sa mga kasamahang artista kung sakaling magtagal ang pandemic.

Talagang kahanga-hanga.

MMFF 2020, walang malalaking pelikula

Mukhang mga indie film ang makakasali lang sa Metro Manila Film Festival 2020. Wala akong narinig na nagso-shooting ang mga big production company ng movies na puwedeng isali sa festival. Wala ang Regal, Viva at Star Cinema.

Imposible naman ‘yung big budgeted film ni Papa Albee Benitez na MagikLand ay isali niya sa virtual festival at hindi sa mga movie houses eh pambata ang naturang pelikula.

Sabagay, magaganda rin naman ang ginawang pelikula ng mga indie producer, kaya baka naman makalusot din at marami ang manood online.  Sayang talaga ‘yung yearly tradition ng festival, dahil ito ang hinihintay ng marami at ito talaga ang sobra ang lakas sa takilya, dahil nga kuha mo ang mga batang audience.

Kung medyo maganda na ang sitwasyon next year, puwedeng maging malakas ‘yung midyear festival na inisip noong una, ang Metro Manila Summer Film Festival, pero hindi rin natuloy dahil nga sa pandemic. Hay naku pero sabi nga there’s always sunshine after the rain and there’s always courage after the fear.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with