^

Pang Movies

Miss U PH Rabiya, super fan ni Sarah

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Miss U PH Rabiya, super fan ni Sarah

Celebrity guest kahapon, sa Kataguan segment ng It’s Showtime ang newly-crowned Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo kung saan huhulaan nito ang celebrity singer among the three participants. Tama sana siya sa una niyang hula na No. 2 but changed her mind at the last minute ay ginawa niya itong No. 1 tulad ng hula ni Vice Ganda. Pero ang dalawa pa sa mga hosts ng It’s Showtime na sina Vhong Navarro at Ryan Bang ay parehong No. 2 ang hula pero si Rabiya ay nag-stick sa  Singer No. 1. Nang tanggalin ng tatlo isa-isa ang kanilang masks ay ang Singer No. 2 ang celebrity singer dahil ito ay walang iba kundi ang bossa nova singer na si Sitti Navarro.

Mukhang may talent din sa pagkanta si Rabiya dahil sinabayan niya ng kanta ang tatlong singers.

Inamin ni Rabiya na big fan umano siya ng Popstar na si Sarah Geronimo at favorite song niya ang Paikut-Ikot song ng misis ni Matteo Guidicelli.

Maganda siguro kung maggi-guest din sa ASAP Natin `To si Rabiya para personal niyang makita ang kanyang idolo.

Ryza nanamnamin muna ang pagiging nanay

Tatlong female celebrities ang nanganak last Saturday, October 31 – sina Ryza Cenon, Regine Angeles at Maya Flores.

Isinilang ni Ryza ang kanyang first baby na isang boy ng kanyang present partner, ang photographer na si Miguel Antonio Cruz.

Second baby naman nina Regine at husband niyang si Van Victor Leaño ang kanyang isinilang na baby girl na si Kaia Rosalie.  Ang kanilang panganay na anak na si Alesso ay tatlong taong gulang na.

Pangatlong anak naman nila ni Geoff Eigenmann ang isinilang ng singer na si Maya Flores. Girl ang ang kanilang baby na may pangalan na Penelope Rose na may palayaw na Pepper.

Ang dalawang naunang anak ng engaged couple na Geoff at Maya ay sina Arabella (3) at Augustus (1).

Ang October 31 ay kaarawan din ng ilang kilalang celebrities tulad nina Christopher de Leon, Nadine Lustre, Ka Eduardo Manalo ng INC  at ang yumaong si Helen Vela, ina ng LA-based actress na si Princess Punzalan.

Samantala, nanamnamin muna ni Ryza ang kanyang pagiging brand new mom sa kanilang baby ni Miguel na si Baby Night bago nito balikan ang kanyang acting job.

Ginagawa pa noon ni Ryza ang A Soldier’s Heart TV series nang siya’y mabuntis kay Baby Night at may pending movie project siya sa bakuran ng Viva Films.

Giselle at Emil, naka-dalawang dekada na

Muling nag-renew ng kanilang wedding vows ang singer-host-comedienne na si Giselle Sanchez at mister nitong si Emil Buencamino sa kanilang ika-20th wedding anniversary last October 31. Isang garden wedding ang ginanap sa Daughter’s of St. Anne Convent in Cubao, Quezon City na dinaluhan ng kanilang respective families and close friends.

Ang mag-asawang Giselle at Emil ay may dalawang anak – sina Lia at Xavier.

Si Giselle ay consistent honor student mula elementary hanggang college. In college ay nagtapos siyang magna cum laude in Communication Arts sa University of the Philippines.

Aktres na magaling rumaket, ninakawan ng asawang jobless

Matagal na palang hiwalay ang actress na ito sa kanyang asawang walang trabaho dahil unti-unti umano siyang pinagnakawan ng kanyang mga alahas at iba pang mamahaling gamit na isa-isang nangawala.

Masinop ang aktres sa pera at siya ang lumalabas na `madre de familia’ dahil walang hanapbuhay ang kanyang mister na mahal na mahal niya. Pero sa kalaunan ay nagising din ang aktres sa katotohanan dahil sa ginawa ng kanyang mister kaya niya ito hiniwalayan.

Ang pagmamahal ng actress sa kanyang (dating) mister ay nauwi sa galit hanggang ngayon.

Palibhasa’y masipag ang aktres, mahilig itong pumasok sa iba’t ibang negosyo kaya mag-isa nitong iginagapang ngayon ang kanyang anak.

vuukle comment

MISS UNIVERSE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with