^

Pang Movies

Richard, all heart and soul ‘pag may gustong gawin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Richard, all heart and soul �pag may gustong gawin
Richard

Tuwang-tuwa ako nang makausap ko si Mayor Richard Gomez. Tuwa dahil all these years hindi siya nagbago sa kanyang ugali na madaling tumawa at parang bata kung makipagkuwentuhan.

Richard will always remind me of that lanky thin boy na kasama lagi ni Douglas noon ‘pag nagkikita kami sa Greenhills, sa bahay ni Mother Lily Monteverde. One very memorable event on my mind ‘yung dumating siyang tuwang-tuwa at ibinalita kay Douglas na P1M na ang naipon niya sa bangko. Buong gabi amazed na amazed siya na meron na siyang P1M, kitang-kita mo ang tuwa at saya sa mga mata niya na narating niya ‘yung milestone na iyon.

Mabait at mabuting tao si Richard. Mabait siya sa pamilya, kaibigan at kasamahan niya. Passionate siya sa lahat ng ginagawa niya, kaya when he set his eyes on something, talagang bibigyan niya iyon ng oras.

I remember nang ma-fascinate siya sa fencing, biglang pinag-aralan niya iyon at naging bihasa sa naturang sports. ‘Yung fierceness niya sa basketball ang laging dahilan kung bakit napapaaway siya sa Star Olympics. Ganu’n si Richard, all heart and soul ‘pag may gustong gawin.

No wonder, isa siya sa best mayor ngayon, dahil naka-focus siya, alam at pinag-aralan ang dapat gawin. Tunay na isang idol.

Ilegal na droga, walang katapusan

‘Pag nanonood ako ng news para bang nalulula ako sa rami ng illegal drugs na nahuhuli sa airport. Para bang talagang wala nang takot ang mga drug lord na dito ipadala ang illegal drugs. At ‘yung nasasabat sa dagat na lumutang na bawal na gamot, parang dito talaga sa Pilipinas itinatapon.

Bakit ganu’n? Dahil ba sa mas maluwag tayo? Dahil ba totoo na nire-recycle ang drugs at bumabalik sa market? O talagang wala na silang takot sa gobyerno natin?

In fairness, si Papa Digong lang ang presidente na talagang all out ang ginawang paglaban sa droga, at noon namang panahon ni dating Pangulong Marcos may hinatulang ma-firing squad sa Luneta dahil sa illegal drugs.

Baka talagang panahon na para harapin na natin nang buong tapang ‘yang fight against illegal drugs, dapat talagang katakutan na ng lahat ang bayan natin pagdating sa paggamit, pagbenta o pagkakalat ng pinagbabawal na gamot.

Kung talagang kailangang ibalik ang death penalty para matapos ito, ibalik natin. Kailangang matakot ang future generation natin sa epekto nito. Dapat ngayon pa lang habang lumalaki ang mga bata, katakutan na nila ang paggamit ng droga. 

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with