^

Pang Movies

Ate Vi, inaming ‘very soon’ na ang pagdating ng apo

Gorgy Rula - Pang-masa
Ate Vi, inaming �very soon� na ang pagdating ng apo

MANILA, Philippines — Ang saya-saya ng tsikahan namin ni Star for All Season Cong. Vilma Santos nang mag-guest siya sa YouTube channel ng kaibigan naming si Allan Diones, ang kanyang 2nyt With Allan Diones o 2WAD.

Inimbitahan niya ako kasama ang mga Ka-PEP Troika kong sina Noel Ferrer at Jerry Olea na makipagtsikahan kay Cong. Vi. Advance celebration na rin iyon ng kanyang kaarawan bukas.

Sabi ni Ate Vi, madalas kapag birthday niya ay nagbibiyahe siya. Pero dahil sa kalagayan natin ngayon, sa bahay na lang daw sila kasama ang pamilya. Hindi raw kasi talaga siya lumalabas. Nitong naka-quarantine tayo, minsan lang daw siya lumabas, nang pumunta siya sa burol ni Manay Ichu Maceda.

Ang isa raw sa hinihinging birthday gift ni Ate Vi ay sana matapos na raw talaga itong pandemyang kinakaharap natin ngayon. “Kung meron man akong hihilingin ngayon sa birthday ko, ang tala­gang ipinagdarasal ko lang at hihilingin ko sa Panginoong Diyos talaga is, ‘Lord tama na po. Tama na po itong COVID. Sana unti-unti na itong mawala.’ Sana ma-lessen na yung nagkakasakit. And at the same time with all the calamities na dumarating ngayon, sana mabawasan na.”

Aminado ang Kongresista ng Lipa, Batangas na lahat talaga tayo ngayon ay nahirapan, kaya patuloy lang daw sa pagdarasal na matapos na itong pandemya. “2020 is not really a  good year for all of us, and all over the world. So talagang prayers ang makakatulong sa atin para mabawasan na lahat ang pagsubok na ito kasi hindi talaga maganda,” dagdag niyang pahayag.

Ang pamilya pa rin daw ang una niyang ipinagdarasal, pero ang isa pa raw sa gusto niyang birthday gift ay apo, mula kay Luis Manzano.

Huwag daw muna kay Ryan Christian, dahil kailangan tapusin daw muna pag-aaral. “Siguro kung meron akong hinihiling, apo. Baka very soon,” napapangiti niyang pahayag.

Naintriga kami sa sinabi niyang “very soon,” pero hindi na niya pinahaba ang usaping iyon. Hanggang du’n lang daw ang puwede niya munang i-share. “Karapatan ko lang sabihin na ‘very soon’. Tama na. Okay na ako dun, basta very soon,” sabi pa niya.

Happy birthday kay Cong. Vilma Santos-Recto!

Ian, proud sa anak na tomboy

Mas na-enjoy na namin ngayon ang pangalawang episode ng Oh My Dad na napapanood tuwing Sabado ng alas-singko ng hapon sa TV5.

Nakakaaliw siya hanggang ending ng episode, at nakikita mong kampanteng-kampante na sila sa isa’t isa.

Hindi nga raw nalalayo ang role niya rito dahil may anak siya rito na isang ba­ding na ginagampanan ni Adrian Lindayag ayon kay Ian Veneracion at proud daw siya sa kanyang lesbian daughter. “I’m really proud of her. I’m the one who told her na not to be apologetic and you don’t have to explain your preference to anyone, not even to me. I’m really open to that,” pakli ni Ian sa mediacon ng Oh My Dad noong nakaraang linggo.

Sabi naman ni Dimples Romana, nakikita naman daw na kampante si Ian sa kanyang role at ang gaan daw nitong katrabaho. “Napatunayan ko kay Kuya Ian yung pagiging masayahin. For me, siya talaga eh as a person eh. Pati yung father instinct niya sa mga kids. Tapos yung dynamics nila nina Tito Ariel (Ureta), of course sa kanila nina Tita Gloria (Diaz).

“Konti lang naman po kami dito eh. So, Kuya Ian he really make sure na we’re at our best. Siya yung tipong tatanungin niya kami, ‘how are you, na kinukumusta niya kami, yung kumusta tulog ‘nyo, mga ganun po,” pahayag naman ni Dimples.                                                                                        

vuukle comment

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with