^

Pang Movies

Ryza, nanganak na

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ryza, nanganak na
Ryza

Isa nang ganap na ina ang dating Kapuso actress na si Ryza Cenon (32) matapos nitong isilang ang unang supling nila ng kanyang bagong partner na si Miguel Antonio Cruz na isang photographer.

Isinilang ni Ryza ang kanyang first baby na pinangalanang Night last Saturday, October 31.

Ang Pagdating ni Baby Night sa kanila ni Miguel ay maituturing na advance birthday gift para kay Ryza who will turn 33 on December 21.

Ang actress ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) kung saan siya lumipat matapos ng ilang taon pamamalagi bilang Kapuso.

Ryza announced her pregnancy last July when she was five months pregnant sa kanyang bagong partner na si Miguel. Bago si Miguel, she was in a long relationship with actor Cholo Barretto.

Magmula nang siya’y lumipat sa pamamahala ng Viva ay mas naging visible siya sa mga programa ng Kapamilya Channel. Huli siyang napanood sa A Soldier’s Heart na kamakailan lamang nagtapos sa ere. Si Ryza ay produkto ng reality talent search na Starstruck Season 2 ng GMA kung saan siya tinanghal na Ultimate Female Survivor.

Sean Connery, namatay sa edad na 90

Tuluyan nang nagsara ang telon para sa iconic James Bond hero na si Sean Connery na sumakabilang-buhay last Saturday, October 31 sa kanyang tahanan sa Bahamas. Siya’y 90 years old.

Si Sean ay isinilang sa Fountainbridge, Edenburg, Scotland noong August 25, 1930 sa isang simpleng pamilya.

Bago pinasok ni Sean ang pelikula ay nagsimula siya sa teatro at telebisyon at biggest break niya ang kanyang pagganap sa role na James Bond (created by Ian Fleming) na pitong beses niyang ginawa sa magkakaibang pelikula na kanyang sinimulan sa Dr. No in 1962,  From Russia with Love in 1963,  Goldfinger in 1964,  at marami pang iba.

Tatay ni Ice, handa na raw lumisan

Sobrang payat na ng ama ng singer-actor na si Ice Seguerra na si Daddy Dick Seguerra na merong terminal prostate cancer na may kung ilang taon na rin nitong nilalabanan.

Ayon kay Ice, sa kabila ng kalagayan ng kanyang ama ay nananatili umano itong positibo masayahin at nakukuha pa umanong magbiro. Nagsabi na rin umano ito na nakahanda na umano siyang `lumisan.’

Alam ni Ice at ng kanyang pamilya na malapit na ang `dead-end’ ng kanyang ama pero patuloy pa rin silang umaasa na sana’y madugtungan pa ang kanyang buhay para makasama nila.

Sa kabila ng kanyang kalagayan, humiling si Daddy Dick na bisitahin nila ang libingan ng kanyang mga magulang at makita na rin ang iba nilang mga kaanak sa Calauag, Quezon na pinagbigyan naman ni Ice, ng kanyang inang si Mommy Caring at kapatid na si Juanchy.

vuukle comment

RYZA CENON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with