^

Pang Movies

Pinoy actors, hindi binabagayan ng bangs

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pinoy actors, hindi binabagayan ng bangs

Bakit ganun, Koreans lang ang binabagayan ng haircut na merong bangs ang lalaki?

Bakit sa Koreano parang ang cute tingnan ng naka-bangs ang lalaki, pero dito sa atin kahit kasing pogi nila Piolo Pascual at Alden Richards hindi bagay ang ganung haircut. Samantalang sina Kim Woo-Bin at Park Bo-gum ang cute sa kanilang mga bangs.

Ano kaya ang kaibahan? O baka sanayan lang? Baka eversince, hindi naging ganun ang haircut ng mga Pinoy celeb natin kaya ngayong uso pag ginaya ng mga lalaki dito sa atin, hindi bagay.

Ok lang, tutal naman kahit anong sabihin mo palagay ko, mas pogi pa rin ang mga male star natin. Kaya nga lang parang mas malakas ang kilig natin sa mga Oppa dahil maganda ang istorya nila na napapanood natin.

Kahit nga sa mga female star, mas maganda ang mga star natin.

Pandemic na, may bagyo pa

Grabe naman, may pandemic pa nga may super typhoon pa na bagyong Rolly na kahapon ay hindi pa nararamdaman ang pagdating sa Metro Manila.

Kaloka na palapit na nga December ito at may bagyo at madalas pang umulan.

Para bang guinea pig na ang Pilipinas ng mga catastrophe, ayaw na tayong tigilan. Parang hinahamon ang tigas ng loob natin at pananalig.

Pero kahit ano pang sabihin, tiyak survivor tayo, kahit pa sabay-sabayin ang mga pagsubok kakayanin pa rin natin.

Kapit lang, together as one, we will overcome it.

Eh ano ba kung may pandemic, eh so kung meron super typhoon, so what kung meron lindol at landslide, kaya iyan, hindi tayo kayang takutin ng mga ganyan.

Basta magtulungan tayo, hawak kamay, dasal lang at sure ako, we will win against all odds.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with