^

Pang Movies

Vice hindi na sasali sa MMFF, ayaw sa digital edition?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Vice hindi na sasali sa MMFF, ayaw sa digital edition?!
Vice

Diretsahan na nilang sinabi, hindi makakasali ang pelikula ni Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil hindi raw aabot sa deadline. Isa iyan sa mga unang inaprubahan ng MMFF noon pa mang una. Script pa lang ay isinali na ang pelikula.

Kung iisipin, mahaba ang panahon para gawin iyan, kahit na sabihin mo pang may pandemic. Maaari pa ring habulin iyan kung tutuusin. Kaya lang, wala namang lalabasang sinehan sa Metro Manila hanggang sa Disyembre.

Kung napansin ninyo, wala ring pelikula para sa festival si Vic Sotto. Mukhang ni hindi siya nagplanong lumaban sa festival sa taong ito. Hindi siya naghabol kasi wala namang sinehan.

Bale ito lamang ang ikalawang pagkakataon na hindi magsasagupa sina Vice at Vic sa festival. Una silang nawala sa festival noong namayani ang mga pelikulang indie, na akala mo tuloy na-pandemic din ang kita ng festival, kahit wala pa namang pandemic noon.

Nagsisimula pa lamang ang taon, sinabi rin may isang pelikulang isasali ulit si Aga Muhlach, na siyang naging top grosser noong nakaraang taon. Pero biglang wala na ring pelikula si Aga. Isa lang ang sagot diyan. Bakit sila mamumuhunan para makagawa ng isang malaking pelikula kung hindi naman nila mababawi ang gastos dahil sa internet lang sila ipapalabas?

Kahit na ano pa ang sabihin ng “mga bagong henyo sa industriya,” hindi mabubuhay ang industriya ng pelikula kung walang sinehan. Ang mahigit na 70 porsiyento ng kita ng isang pelikula ay nakukuha pa rin sa sinehan. Iyan ang katotohanan sa buong mundo, kaya kung napansin ninyo, maski ang US kumalma sa paggawa ng pelikula dahil nagsara nga ang mga sinehan dahil sa pandemic.

Iyang mga internet festival, ok lang iyan sa mga pelikulang indie na maliliit lamang ang puhunan. Pero kung malaki ang ilalabas mo, at malalaki ang artista mo, bakit ka pa sasali kung sa internet ka lang ipapalabas?

Marco, pinasama ang imahe ng PH

May isa kaming kaibigan na nagpadala sa amin ng screenshot ng isang social media post noong Marco Gallo, na nag-artista rin dito sa Pilipinas ng ilang panahon. Actually ang sinabi niya ay kritisismo sa kanyang mga kababayan na nagra-rally at sumisigaw ng “libertad,” ibig sabihin kalayaan, eh may pandemic nga kaya naghihigpit. Ang sabi niya, “hindi ba nila naiisip ang kaligtasan din ng iba.” Tama naman siya sa sinabi niyang iyon. Tama naman na dapat sundin ang lahat ng health protocols na ipinaiiral.

Ang hindi namin nagustuhan iyong idinugtong niya roon. Sabi niya “pumunta kayo sa Pilipinas, doon ninyo gawin iyan kundi ipinabaril kayong lahat ni Duterte.” Iyang mga ganyang statement ang nagpapasama ng image ng ating bansa. Para bang pinalalabas na masyado ang paninikil ng gobyerno na basta hindi ka sumunod babarilin ka na lang. Nangyayari ba ang ganoon sa ating bansa?

Iyan ang isang bagay pa. Ang mga dayuhan na iyan, basta na lang darating dito sa atin, gagawin silang mga artista at mamumuhay nang maayos, pero pag-alis kung anu-ano na ang sinasabi. Bakit may nasaksihan ba  si Marco Gallo na nangyari sa Pilipinas na matapos lumabag sa batas ay binaril agad?

Direktor na may dyowang poging aktor, ‘di na kayang magsustento

Malungkot din si direk. Noon kasing kanyang panahon, noong kasagsagan ng kanyang career, boyfriend niya ang isang sikat na matinee idol. Sustentado naman ni direk ang poging star noon. Pero ngayon, hindi na niya magawa iyon, at wala nang nakakagawa noon. “Pinataas nilang masyado ang allowance at maintenance ng mga pogi,” sabi ni direk tungkol sa mga pumapatol na sa mas madadatung na bading.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with