^

Pang Movies

Enzo, maraming natutunan nang magka-COVID

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napapag-usapan pala ng magkasintahang Enzo Pineda at Michelle Vito ang posibilidad na pagsali ni Michelle sa mga beauty competition.

Marami na raw ang nagkumbinsi kay Michelle na sumali sa Miss Universe Philippines, pero tingin ng aktres masyado pang maaga. Mas gusto raw muna niyang mag-focus sa showbiz lalo na’t bahagi siya ng bagong teleseryeng Bagong Umaga.

Sabi naman ni Enzo, nandiyan lang siya para suportahan ang girlfriend. Pero nagpapasalamat si Enzo sa lahat na suporta ni Michelle ngayong pandemic lalo na noong nagka-COVID-19 siya. “Dahil sa pandemic, at dahil din kay Michelle, malaki ang nabago sa buhay ko dahil sa mga pangyayaring ‘yun. Kasi marami akong natutunan kay Michelle, kasi she’s very simple, God-fearing, napakabait, napakamaalaga. She’s always been a good example eh.”

Kaya na-inspire daw siya lalo dahil sa suporta at pagmamahal sa kanya ng GF. “Akala ko dati, showbiz lang, fame, money, fortune. So, now I do things with the purpose eh. Basically ganu’n na ako tumingin ngayon. Hindi na ako yung dating self-centered lang. Dati kasi ako lang eh. Ngayon, sa panahon ng COVID, we need to help each other,” dagdag na pahayag ni Enzo nang nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Biyernes.

Puspusan na kasi ngayon ang pagpu-promote ni Enzo sa pelikula niyang He Who is Without Sin na kung saan kasama niya rito si Elijah Canlas at dinirek ni Jason Paul Laxamana.

Aminado siyang mala-Atom Araullo raw ang peg niya sa pelikulang ito. Bahagi ang He Who is Without Sin sa Premium Selection ng Pista ng Pelikulang Pilipino 2020 na nagsisimula noong October 21 hanggang November 15 na mapapanood ito sa FDCP Channel.

All-Out… at The Clash itinangging sumusuway sa safety protocols

Nagulat ang mga production staff ng All-Out Sundays at The Clash sa kumalat na isyung pamorningan daw ang­ ­taping nila at hindi sinusunod ang 12-16 working hours.

Iyon ang napag-usapan sa isang thread na kung saan may mga nagparating daw ng ganu’ng kuwento. Ipinaliwanag sa amin ng taga-AOS at The Clash na hindi raw ganu’n ang sistema. Kuwento ng isang taga-AOS, umaabot daw sila sa tatlong episodes na tini-tape pero may naka-assign na writer at ilang staff ang bawat episode o segment. Pagkatapos nila, puwede na silang umuwi at hindi naman daw umaabot ng 12 hours ang episode na hawak nila.

Kahit sa The Clash daw ay hindi naman daw sila umaabot sa mahigit 12 o 16 working hours kahit nakakabuo sila ng tatlong episodes. Minsan nga raw ay gusto pa raw nilang mag-tape ng pang-apat dahil may oras pa naman pero mahigpit daw na ibinibilin sa kanila na huwag lumagpas sa ipinapatupad na wor­king hours. 

vuukle comment

ENZO PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with