^

Pang Movies

Vice, matutuloy na ang paglipat sa mansion

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Ang daming na-inspire sa house tour video ni Vice Ganda na in-upload niya sa kanyang Vice Ganda Network sa YouTube. Kaya naman milyun-milyon na ngayon ang nasabing vlog na nahahati sa 2 parts.

Ang first part na in-upload niya two weeks ago ay nasa mahigit limang milyong views na habang ang part 2 naman na in-upload niya few days ago ay halos 4M views na.

Kaya naman masayang-masaya si Vice dahil kasabay nito ay umabot na rin ng 3M ang kanyang subscribers sa YT.

“3Million subscribers on Youtube. 3Milliom views in 3 days. 3 Days No.1 Trending Video. My New Valurs Tour (House Tour) PART 2,” ang post ni Vice sa kanyang Instagram.

Makikita sa 2 parts ng video na hindi pa kumpletong tapos ang mansion pero talaga namang napakaganda at napakalaki. Paliwanag niya ay nabili niya ang property 5 or 6 years ago at binili niya raw ito para sa lolo niya.

“Nun’g namatay ang lolo ko, sobra ‘kong na-sad, nawalan ako ng ganang ipatayo siya. Tumengga siya ng ilang taon,” kwento ni Vice.

Pero maganda raw talaga ‘yung property at pinayuhan din daw siya ng iba na huwag itong ibenta kaya pinatayuan niya ng bahay. Tatlong taon din daw bago natapos ang house at lilipat na daw siya last March kaso ay nagkaroon ng pandemic kaya hindi natuloy.

Ngayong medyo maluwag na ay nagbabalak na raw siyang lumipat pero wala raw magaganap na malaking house warming dahil nga bawal.

“So kami-kami lang, pa-blessing, pabasbas lang. We are so excited to move in very soon,” aniya.

Makikitang wala pang laman ang mansion pero ipinapa-deliver na niya unti-unti ang mga bagong gamit. He explained na industrial daw ang style ng nasabing new house.

Ipinakita ni Vice ang pinakamalaking parte sa kanyang bahay na mas malaki pa raw sa master’s bedroom.

“This is my favorite part, this is the walk-in closet. Ito ang pinakamalaking area sa bahay, mas malaki pa sa master’s bedroom. Lalagyan ng gowns, gowns and gowns. Lalagyan ng shoes, shoes and shoes,” sey niya.

Makikita ring may elevator ang loob ng kanyang bahay na para raw sa kanyang ina para hindi na ito nahihirapang umakyat pag pupunta ito sa kanyang bahay.

Mayroon din siyang dumbwaiter na basically ay elevator ng food at mula sa baba ay didiretso raw ang food sa kanyang kwarto.

Nangako si Vice na kapag may laman na at naayos na ang kanyang bahay ay ipapakita niya ulit ito via another house tour.

Sa comments section ay napakaraming na-GV (good vibes) sa video at anila ay sobrang nakaka-inspire raw ang comedian/TV host.

Komento ng isang netizen, “nagu-good vibes ako kasi nagkakaroon ng realization habang pinapanood ko siya. Nagkakaroon ng fullfillment sa sarili ko at mas lalo akong nai-inspire to do better in life. GOODVIBES indeed kasi hindi lang Physically o ngiti sa labi kundi pati Mentally yung naibibigay niyang saya para sa akin. May God bless you more po para mas marami pa kayong mapasaya at matulungan na tao. Continue to give happiness and serves an inspiration to everyone.”

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with