^

Pang Movies

Azenith, naudlot sa Probinsyano

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa

Muntik na pala sanang magbalik-showbiz si Azenith Briones via  FPJ’s Ang Probinsyano kaso bigla ngang umatake ang pandemonic na COVID, kaya naudlot ito.

Marami na ring nagawang movies si Azenith noong kanyang kapanahunan.

Nami-miss na nito ang showbiz lalo nang mabiyuda kay El Rey Reyes.

Busy ngayon si Azenith sa kanyang farm sa San Pablo City. Mga wild orchid daw ang kanyang negosyo, since marami ang nahihilig ngayon sa mga halaman magmula nang umatake ang COVID-19. Yes, isa siyang certified plantita.

Vice, iniintriga pa rin sa kabaklaan

Marami ang nagtatanong at nagtataka kung bakit kinukuwestyon ang kabaklaan ni Vice Ganda sa muli nitong pagbabalik sa free TV thru A2Z Channel 11 na pag-aari ng isang pamosong pastor na si Bro. Eddie Villanueva.

Naku huwag na po ninyong intrigahin, let them survive sa kanilang buhay.

Marami na ang nagugutom sa showbiz at kung pag-iinitan pa ang kabaklaan ni Vice, paano na lang ang mga natutulungan niya.

Hayaan na natin sila at tama na ang pang-iintriga, dahil doon sila kumikita sa pagpapatawa.

Zion, hindi maramot sa mga laruan

Magandang halimbawa ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa ipinakitang kabutihang loob sa mga batang mahihirap sa ilang barangay sa QC, sa pamamagitan ni Ms. Pinky Tobia­no na isa ring matulunging tao.

Inipon ng mag-asawa ang mga laruang hindi na ginagamit ng mga anak para nga ipamigay bilang maagang Pamasko.

Mapagkawanggawa rin ang pamosong singer na si Jojo Mendrez, ang tinaguriang Revival King na namigay din ng ayuda sa mga nangangailangan.

Sa panahon talaga ngayon, kung may sobra ka namang biyaya at malaki ang kinikita mo, magbahagi ka.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with