^

Pang Movies

Kim, sineryoso ang pag-ayaw sa Pantasya ng Bayan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

From a sexy symbol, gusto na ni Kapuso star Kim Domingo na maging isang dramatic actress. Pantasya ng Bayan ang itinawag kay Kim nang maging calendar girl siya ng Ginebra San Miguel in 2017, the same year, nakasama naman siya ni Marian Rivera sa Super Ma’am at dahil may pagka-fantasy ang serye, nagkaroon siya ng mga fans na bata.

“Nagkaroon po ako ng mga fans na mga bata na nakaka-appreciate sa akin, kaya doon ko naisip mag-lie low sa mga sexy role na ginagawa ko,” kuwento ni Kim sa kanyang vlog.  “Ang sarap pala sa feeling na hindi lamag puro lalaki ang nakaka-appreciate sa iyo, kaya nag-decide akong gusto ko namang mapansin nila ang talent ko bilang aktres.”

Last year, nakasama si Kim sa seryeng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko at gumanap siya ng dual role, kasama sina Kris Bernal at Megan Young. Kahit sa gag show nilang Bubble Gang hindi na ganoon ka-sexy ang character na ginagampanan ni Kim.

Lock-in ng Donnas, nakaraos na

Thankful ang buong cast ng GMA Afternoon Prime na Prima Donnas dahil natapos na last Sunday evening, ang 18 days na lock in taping nila.  Ayon sa Instagram post ng lead actress na si Katrina Halili na nagsasayaw sila, kasama si Direk Gina Alajar ng TikTok with a caption: “Matapos ang buong araw na haggard scenes, lahat kami may energy pa mag-tree.  ILoveMyPrimaDonnas family, laban nang laban, walang pagod...nakapagtiktok pa bago umuwi, so alam nyo na guys, sino huling nakauwi kahapon after 18 days lock in.  Thank you Lord, everyone tested negative for covid, lahat umuwi nang may peace of mind... Salute to us and the production especially to our director @ginaalajar @ayatopacio ang gagaling natin! Char!”

Tiyak malapit nang mapanood ang mga fresh episodes nila na ngayon ay napapanood pa ang recap daily after Ika-6 Na Utos sa GMA-7.

Mga nanalo sa Box Office Awards nagbihis kahit nasa bahay

May advantage din pala sa TV viewers na nanonood ng mga awards night, na virtual lamang ang presentation. Tulad ng 51st Box Office Entertainment Awards na produced ng Airtime Marketing, Inc. Phil ni Ms. Tessie Celestino-Howard, iisipin mong live mo itong pinapanood, mula sa Fernwood Gardens in Quezon City, maganda at mabilis ang presentation, at lahat ng mga winner ay naroon at nagbigay ng kanilang accep­tance speech na kahit nasa kani-kanila lamang bahay sila kinunan, bihis na bihis din sila.  Hindi tulad nang live awards night, madalas hindi dumarating ang mga winner at kung nanonood ka sa bahay, minsan hindi mo na tatapusin dahil ilang oras na, hindi pa rin tapos ang presentation.

Exactly two hours lamang tumagal ang awards night aired sa TV5 at 9:05PM until 11:05PM.

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with